in

Conversion ng Driver’s license sa Italya

Isa akong dayuhan, bagong dating sa bansang Italya, maaari ko bang i-convert ang aking driver’s license sa Italyano?

Roma – Aug. 13, 2010 – Marami pa rin ang hindi nakakaalam na marami na sa mga bansang may kasunduan sa bansang Italya ay maaari nang mag-convert ng kanilang diriver’s license at hindi na nangangailangang dumaan pa sa pag-aaral na muli at pagkuha ng eksamin. Sa mga bansang ito, kasama ang Pilipinas.

Pinapayagan ang sinumang dayuhan na nagmula sa bansang may kasunduan sa Italya na mag-covert ng kanilang driver’s license. Sinasabing ang isang dayuhang bagong dating sa Italya, naghihintay ng issuance ng unang permesso di soggiorno o kaya’y nagrenew ng permesso di soggiorno for work o family reason, ay pinapayagang mag-aplay ng italian driver’s license.  
  
Dapat tanggapin ng motorization ang application for italian driver’s license kung ang unang paghiling o pagpapanibago ng permit to stay ay isinagawa base sa batas na ipinapatupad ng bansa. Ang kopya ng request o renewal slip at original permit to stay (kung nagrenew) ay hihingin ng motrization sa aplikante.
 
Ang magiging tungkulin naman ang mga pulis ay kunin ang dokumento sa pagmamaneho kung ang dayuhan ay hindi nakasunod sa mga requirements upang magkaroon ng permit to stay. Tandaan na ang tanggapang nagbibigya ng drivers’ license ay ang Ufficio Provinciale della Motorizzazione Civile. (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAGPAPAHALAGA SA SAKRAMENTO NG KASAL, BUHAY NA BUHAY PA RIN SA PUSO NG MGA PILIPINO

Survey ng Sky tg24: patuloy nga ba pagdagsa ng mga dayuhan?