50% sang-ayon sa Caritas at ang iba pang 50% ay kay Maroni
Roma – Ayon sa balita noong makalawa, sa naging araw-araw na survey ng Sky Tg24, ang kalahati ng mga participants (50%) ay sumasang-ayon sa Caritas, naniniwala na ang kasunduan sa bansang Libia ay hindi naman nakatulong sapagkat patuloy pa rin ang pagdagsa nga dayuhan sa bansa. Samantala ang kalahating 50% ng botante ay nagsasabi na sinang-ayunan naman ni Minister Roberto Maroni, ang pagdaong mga mga barko sakay ang mga dayuhan ay bumaba ng 88%.
Ang channel All News directed by Emilio Carelli sa pamamagitan ng isang aktibong serbisyo, sa sito www.skytg24.it at sms, ay naglaan araw-araw nang pagkakataon sa sinumang nais magbigay ng opinyon tungkol sa isa mga pangunahing balita bawat araw. Ang survey ay walang halaga statiscally, ito’y para sa lahat subalit hindi ito basehan upang gawing sample upang pag-aralan.