in

Pag-ibig contributions pansamantalang pinatigil ng POEA

Ipinatigil pansamantala ng POEA ang pangongolekta ng PAG-IBIG contributions mula sa mga OFWs habang hinihintay nito ang bagong guidelines na magbibigay linaw sa pamamaraan ng pagbabayad ng kontribusyon.

Matatandaan na nagging mainit ang usapin tungkol sa isang memorandum ang ipinalabas ng POEA na nasasabing ang “POEA Memorandum Circular No. 06, Series of 2010 issued last July 7, mandates all out-bound OFWs to pay 6 months worth of PAG-IBIG membership contribution. They will not be able to get their Overseas Employment Certificate (OEC) and leave the country unless they have paid the said amount”.

Mismong si Vice President Jejomar Binay ay nag-utos na ihinto ang pagsasakatuparan ng 6 na buwang paunang bayad sa housing fund mula sa mga overseas Filipino workers. 

 Ang pahayag ni Binay – “What is important is that government should assist our OFWs and should not be seen as further imposing burdens on them.”

Inutusan ni Binay noong ika-12 ng Agosto ang Development Mutual Fund (PAG-IBIG) at  Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na isuspende ang pagpapatupad sa kautusang pagbabayad ng advance contribution ng papaalis na mga Pinoy ng Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa.

Kaya’t habang pinag-uusapan pa kung paano ipapatupad ang nasabing memorandum, at paano magiging transparent ang guidelines, pansamantalang ipinatigil ang collection ng PAG-IBIG contributions.

Ikinatuwa naman ng Migrante International ang naging desisyon ni Binay at handa ang nasabing grupo na maki-dialogue sa bise presidente anumang oras.

“We are very pleased with the suspension of Bawal na Pag-IBIG (Illegal Pag-IBIG). This is a clear result of the vigilance and assertion of OFWs worldwide. We expect VP Binay to keep his word and conduct consultations with us,” ang sinabi ni Migrante chairperson Garry Martinez sa kaniyang text message. (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maroni: “Sa taong ito, 9 na libo ang napauwi, 88% ang dumating”

Ferragosto para sa mga Pinoy sa Roma