in

Bawal ba ang magpatira sa dayuhang non-documented?

May kaibigan ako na nakatira sa aking bahay at siya’y walang permit to stay. Sakaling ito ay matuklasan ng mga awtoridad, ano ang mangyayari sa akin? 

Ayon sa batas pwedeng manirahan sa teritoryo ng bansa ang mga dayuhang pumasok ng may entry visa at may valid permit to stay o permesso di soggiorno valido.

Matatandaan na noong ika-8 ng Agosto, taong 2009 ang pagpasok o paninirahan ng illegal sa teritoryo ng bansang Italya ay isang krimen. Nangangahulugan lamang na ang sinumang papasok o maninirahan ng illegal sa Italya ay nagkasala sa batas, may parusang multa sa halagangan 5,000 hanggang 10,000 euro. Gayundin ang sinumang magpapatira sa bahay ng walang permit to stay ay maaaring mahatulan ng paglabag sa batas.

Ayon sa testo unico sull’immigrazione (art . 7, D.lgs. n. 286/98), “Ang sinuman, kahit sino at ano pa man ang kaniyang posisyon, na nagbigay ng tirahan o nagpatira sa isang dayuhan o refugee, o nagpapa-upa o libreng pagpapatira sa isang bahay, sa bukid man o sa lungsod,  ay tungkuling ipabatid sa tanggapan ng mga pulis ang isang kasulatan sa loob lamang ng apatnapung oras (48 hours)”.

Kaya’t ang sinumang may intensyon na magpatira sa isang dayuhan, kailangang magsumite ng declaration of hospitality sa tanggapan ng pulisya.
Ang sinumang hindi makakatupad sa ipinag-uutos ng batas, nagpatira sa dayuhang walang permit to stay, ang may-ari o ang tenant ay maaaring tumanggap ng administrative sanction na nagkakahalaga ng 160 hanggang 1,100 euro.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Cei: “Kailangan ang bagong batas sa citizenship”

Lucca: 10,000 euro bayad sa pekeng regularization, inireklamo 19 na katao