Mga negosyante at dayuhan, inireklamo sa Squadra Mobile at Questura
Lucca, Aug. 30, 2010 – Sa pakikipagtulungan ng Ufficio Immigrazione della Questura at Sportello Unico Immigrazione di Prefettura at Ufficio provinciale del Lavoro, natapos ang operasyon laban sa pagsasamantala sa illegal migration, isinumbong ang 19 na katao,
Dalawa ang mekanismo: ang ilan sa mga kaso ay ang pagsumite ng mga pekeng aplikasyon para malegalize ang mga illegal na colf at badanti noong nakaraang taon, na kung saan ay nakinabang ang mga illegal na dayuhan sa bansa kahit ang mga ito ay hindi totoong nagtatrabaho para sa mga employer, at nagbayad ng 5,000 hanggang 10,000 euro.
Ang iba pang kaso ay napag-alamang ang dayuhan ay wala sa bansa at pinangakuan ng trabaho sa Italya. Ang mga ito ay pinagbayad ng halagang 8,000 at 10,000 na inutang pa sa mga kaibigan at kamag-anak.
Nang mapatunayan ng Squadra Mobile ang pananamantala at pagsasamantala ng mga ahensya, 19 na katao ay kinasuhan ng pagiging illegal recruiter at pagsasamantala sa illegal migration.