in

Patuloy pa rin ang pagtatalo sa pagitan ng mga partido.

Roma – Matagal pa rin ang panahong hihintayin para sa reporma ng batas na tumatalakay sa pagkamamamayan. 

Ang Kapulungan ng mga Kinatawan (Chamber of Deputies) ay nagsimula nang magtrabaho pagkatapos ng maigsing pahinga ng tag-init, ngunit katulad ng inaasahan, ang bagong patakaran para sa pagpapalit ng pagkamamayan o ”citizenship” upang maging Italyano ay hindi pa  kasama sa kanilang listahan.
Ang panukalang reporma para sa ”citizenship” ay mayroon ng mahigit ng dalawang taong pinagtatalunan sa parliyamento at kanila na ding ginamit ang pwersang pampolitika upang sila ay magtapos sa isang kasunduan ngunit wala pa ring nangyari.  Ang pagpapatupad ng isang reporma sa batas ay isang mahirap na gawain. 

Ang Lega Nord  at  ilang miyembrong bahagi ng Popolo della Libertà, mga partidong Italyano, ay nagsagawa ng mga alintuntuning mas mahigpit, habang mga mga Deputies naman ng Kapulungan na mas malapit kay Pangulong Gianfranco Fini ng Democratic Party ay nagsasalungatan ng kanilang mga mungkahi.

Ang mga batang parte ng ikalawang henerasyon na ipinanganak at lumaki sa Italya ay siyang magiging pasaporte ng mga dayuhan sa integrasyon. Matatandaan na kabilang sa mga panukala sa nasabing reporma ay ang pagbibigay sa mga batang anak ng mga dayuhan ng ”citizenship” upang sila ay makapagtapos na hindi bababa sa isang kurso ng pag-aaral, katulad din ng pag-aaral ng limang taon sa primaryang paaralan.
Kinakailangang pagtagumpayan ang pakikipaglaban sa liga.  Nakakapag-alala sa kadahilanang kung mabibigyan ng pagkakataong maging ”Italian citizen”, pinapayagan nilang manatili sa kanilang bansa ang mga bata pati na ang kanilang mga magulang. (Rogel Cabigting)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Middle name ng mga Pilipino sa Italian document tatanggalin

LIBRENG PAP TEST, ISINAGAWA SA ROMA