in

LIBRENG PAP TEST, ISINAGAWA SA ROMA

Pinangunahan ng Azienda Sanitaria Locale Roma D sa pakikipagtulungan ng POLO-OWWA at Philippine Embassy sa Roma ang isang araw na libreng Pap
Test sa ilalim ng Screening Program for Migrant Women, isang proyektong isinusulong ng Azienda Sanità Pubblica del Regione Lazio.

Layunin ng ahensya na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababaihang Pinay sa nagtratrabaho sa Roma.

Ikatlong beses nang isinasagawa ang libreng check-up sa Embahada ng Pilipinas sa pamumuno ni Dra. Adriana Bruno, isang gynecologist  sa Roma D. Desidido daw siya na matulungan ang pinaka-antigong dayuhan dito sa Italya at nais niyang ipagpatuloy ang ganitong serbisyo sa komunidad ng mga Pilipino.

“Sa pagkakaalam ko ang mga Pilipina dito sa Italya ay di gaanong batid ang kahalagahan ng ganitong check-up dala ng kanilang pagkaabala sa trabaho kaya wala na silang oras para pumunta sa ospital o klinika para magpatingin kaya ang ganitong okasyon ay ibabahagi namin sa kanila para sa kanilang kaligtasan”,  ang naging pahayag ni Dra. Adriana Bruno – gynecologist RM D.

Ayon kay Nenet Baros, may edad na 38, dalawang taon at kalahati nang nagtatrabaho sa Roma, sinamantala niya ang ganitong pagkakataon para makapagpatingin para makasigurado sa kaligtasan ng kaniyang kalusugan. “ Mahirap pag nasa malayong bayan, libre naman kaya inavail ko na ang ganitong pagkakataon.”

Screening Program ang tawag sa proyekto at ito’y inilunsad para sa mga kababaihang migrante upang bigyan rin sila ng mga impormasyon tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan at hadlangan ang tumor o kanser sa uterus at sa suso. Inanyayahan rin ni Liza Bueno Magsino, isang cultural mediator at consultant ng mga migrante sa Roma na kasamang nag-organisa ng nasabing programa, ang mga kababaihang Pilipina may papel man o wala na puwede silang pumunta saan mang klinika o consultorio pubblico upang magpatingin ng libre.
Buo ang pag-asa ng mga kababaihang Pinay sa Roma na patuloy nilang matatamasa ang mga magagandang proyektong ilulunsad ng gobyernong Italya. (Diego Evangelista)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Patuloy pa rin ang pagtatalo sa pagitan ng mga partido.

“Flussi”. Natale Forlani: “Naririto ang mga nararapat na baguhin.”