Makalipas ang ilang buwang pag-upo ng bagong Ambassador sa Emabahada ng Pilipinas, makikitang handang handa na sa puwesto ang ating bagong Ambassador Manalo para tuluyan ng manungkulan. Kasado na rin ang mga programa nito na inaasahang babago sa pamumuahay ng mga kababayan natin na naninirahan doon.
Noong 1986 hanggang 1988, nanungkulan bilang isang Ambassador sa Philippine Embassy to the Holy See at naging Consul General sa konsulado ng Milan noong 2003 hanggang 2006 si Ambassador Romeo Manalo. Dahil sa kanyang karanasan alam na daw niya ang pangangailangan ng mga Pinoy dito sa Italya.
Ayon sa kaniya, “As a new Filipino Ambassador here, gumawa ako ng isang set of programs para magkaroon ng collaboration between the Phil. Embassy, the various associations here in Italy, ang mga Consigliere aggiunti at iba pang Filipino community dito. Nagpresenta ako ng aking trusts, the trusts that the Philippine Embassy would like to take in order to promote the interests of the Filipino community here.”
Layunin ni Ambassador Manalo na palawigin at maiangat ang pagkilala ng mga italyano sa galing ng mga Pilipino sa makabagong mundo hindi lamang sa pagiging domestiko. Kaya naman, marami na siyang nakahandang programa na pakikinabangan ng ating mga kababayan dito sa Italya. Nakasalamuha na ni Ambassador Manalo ang lahat ng mga aktibong leader ng Filipino Community, mga consiglire aggiunti ng iba’t ibang munisipyo sa Roma at mga aktibong OFWs para sa programang pangkabuhayan sa negosyo at marami pang iba.
Bukas palad na tinanggap ng mga Filcom Leaders sa Roma si Ambassador Manalo. Hangad ng mga pinoy na matugunan ni Manalo ang kanilang mga hiling para mapabuti ang kabuhayan at relasyon sa gobyernong Italya.
Positibo naman ang mga Pinoy sa pagkakaroon ng bagong Ambassador matapos ang limang buwan na paghihintay.
“Para sa akin iyong bago nating Ambassador ay nakakatuwa kasi dahil sa tingin ko maganda ang kanyang kalalabasan” – Fhe bundalian – Filcom Leader
Hiling naman ng mga pinoy na si Ambassador Manalo na sana ang susi sa pagpapaganda ng serbisyo ng Embahada.
Ang pahayag naman ni Arnel Lacson “Ang hiling ko lang sana ay iyong loob ng takbo ng Embahada ay maibigay ang mga pangangailangan ng mga Pilipino.”
Mga listahan ng nakahandang programa ng ating bagong Ambassador:
1. To project a positive image of the Philippines
2. To facilitate integration of Filipinos into Italian culture/society.
3. To encourage and support skills development and skills upgading program.
4. To increase entry of Filipino professionals in the Italian labor sector.
5. To actively engage and address the needs and interests of second generation of filipinos/youth.
6. To inform on reintegration program of the government (upon return to the Philippines).
7. To institute a system for wide and timely dissemination of information through modern technology, such as embassy website, e-mail blasts and facebook as well as through relevant publications.
“As you very well know pag nakakita ng Pilipino, ang tingin agad ay katulong, gusto kong ipakita sa lahat ng mga Italyano at sa Pilipino sa isang photographic exibit na iikot ko sa buong Italya ang kagalingan ng Pinoy at kung sino tayo at kung saan tayo papunta”, buong tiwalang banggit pa ni Ambassador.
Pinangangambahan naman niya ang second generation ng mga kabataan na dito na ipinanganak sa Italya na dapat paghandaan ng mga magulang para sa kinabukasan at mundong ginagalawan. “Marami na hong dito ipinanganak at meron na ho tayong second generation, maaaring dito na rin sila magtrabaho, mag-aral at maaaring dito na rin tumanda. Ano ang kanilang hinaharap, magkaroon ng tamang edukasyon sa Italya, papaano natin sila ihahanda sa isang globalize world.”
Maluwag na si Manalong nakakagalaw sa kanyang posisyon matapos na makakuha ng go-signal at kumpirmasyon kay Italian President Giorgio Napolitano noong july 5, 2010. Umaasa ang Embahada na susuportahan ng mga Pinoy ang bagong programang babago sa antas ng pamumuhay ng mga OFWs dito sa Italya.
(Diego evangelista?