Labing-apat na mga Pinoy leaders mula sa Roma at Tuscany ang napili ng Atikha at Filipino Women’s Council upang dumalo sa matagumpay na pagsasanay sa Trainers’ Training on Financial Planning and Counselling na ginanap sa Casa Internazionale delle Donne sa Rome, Italy noong ika-4 at 5 ng Setyembre, 2010.
Ang nasabing pagsasanay ay ang pangalawang baitang kasunod ng naunang mga Trainor’s Training on Financial Literacy and Addressing Barriers to Reintegration na ginanap noong nakaraang taon. Layunin nitong lalong mapalawak ang kaalaman ng mga Finlit Trainers upang maging mga ganap na tagapaghatid ng mga kaalaman sa mga OfWs ng Italya tungo sa layuning mapaangat ang kalagayan ng mga OFWs at kanilang mga pamilya sa kasalukuyan at sa kinabukasan sa pamamagitan ng mas mabilis na pagpapalago ng kanilang mga pinaghirapang pera.
Sa pagsasanay ay naturuan ang mga Trainers kung paano sumuri sa kalagayang pinansiyal ng isang tao gamit ang mga kasangkapang dinisenyo ng Atikha at iba pang mga institusyon katulad ng isang doktor kapag sinusuri ang isang maysakit na pasyente. Katulad din sa isang doktor na magrereseta ng lunas sa sakit ng pasyente ay tinuruan din ang mga trainers kung paano magbigay ng payo sa tao upang tulungan itong mapagyaman ang kaniyang kinikita.
Matagumpay na naisakatuparan ang pagsasanay sa pamamagitan ng Atikha Overseas Workers and Communities Initiative Inc. at Filipino Women’s Council sa pakikipagtulungan ng Sorosoro Ibaba Development Cooperative. Lubos din and ipinakitang suporta ng kagalang- galang na si Ambassa dor to Rome Romeo Manalo sa proyekto.
Isang dinner-meeting ang isinagawa sa bahay niya kasama ang mga organizers ng proyekto at mga participants at ilang mga religious group leaders ng Roma
Sina Mrs. Estrella Mai Dizon, Executive Director ng Atikha, Miss Cherrilyn Girado ng Atikha at Ms. Chato Basa ng FWC ang mga nagsilbing Resource Speakers at Facilitators sa Training. (Tess Salamero)