in

Mga Pilipino – ika-anim sa pinaka malaking popolasyon sa Italya

Inilabas kahapon sa Roma, tulad ng mga nakaraang taon,  ang ‘Dossier Statistico Immigrazione 2010’ ng Caritas at Migrantes. Ito ay ang pang dalampung edisyon ng nasabing ‘dossier’ na taunang nagbibigay ng opisyal na numero ng mga dayuhang regular at residente sa bansang Italya.

Sa kabuuang tutal na halos limang milyong dayuhang regular sa Italya, ang mg Pilipinong regular naman  sa bansa , ayon sa ‘dossier’ ay umaabot ng 123.584 (o 2.9%).  Ang Pinoy ang pang anim sa pinaka malaking popolasyon dito sa Italya.  Samantalang, nasa 80.890 (o 2,6%) naman ang bilang ng mga Pilipinong kasalukuyang may regular na hanapbuhay. Ika sampung bayang nakatala ang Pilipinas dito.

Nasa region ng Lombardia ang karamihan sa ating mga kababayan, umabot ng 44.400 ang bilang sa kasalukuyan. Samantalang, umabot lamang ng 29.746 ang mga Pilipino nasa Lazio. Sa Emilia Romagna ay may bilang na 11.528 at sa Toscana naman ay may 10.400 Pinoy.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Limang milyon, mga imigratong regular

Care Giver: Paano mag kwenta ng over time?