in

Krimen

Maaaring ipangalan kay Maricica Hahaianu, ang Rumanian na pinatay ng italyanong si Alessio Burtone, ang plasa sa stasyon ng Anagnina sa Roma. Ang Rumanian, isang ina at nurse sa isang Home for the aged sa Roma, gawa ng isang simpleng away sa pila sa pagbili ng ticket noong Oct. 8, nauwi sa isang sagutan hanggang sa sinuntok ni Burtone  si Hahaianu na naging dahilan ng pagiging ‘coma’ ng babae na sya na ring ikinamatay makalipas ang ilang araw sa ospital.
Naging mainit ang usapin sa pagitan ng Italya at Rumenia, lalo na ang higit na pag iingay ng media sa sitwasyong ang imigrato ay isang salarin at hindi isang biktima. Pinag usapan din ang pakikiisa sa pumaslang upang mapawalang sala at mapanatili ang katahimikan ng krimen, mga bagay namang binubura kung isang imigrato ang nakapaslang.
Ayon kay Mayor Gianni Alemanno ng Roma, nararapat na bigyan ng mabigat na kaparusahan si Burtone at sinabing  ipapangalan kay Maricica Hahaianu ang lugar kung saan sya pinaslang, na tambayan naman ng kanyang mga kababayan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Marchetto: “Ang mabubuting kristiyano ay tumatanggap sa mga dayuhan”

University: 50,000 dayuhan payag papapasukin