Marami ang nabago sa mga alituntunin ng daan at halos may 80 na artikulo ang binago, katumbas ng isakatlo sa pangkalahatang kodigo.
Sa mga pagbabagong ito, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng alak at paggamit ng droga, paghihigpit sa mga bagong drayber, mas mahigpit na kontrol sa may edad na higit sa otsenta anyos, karagdagang garansiya sa nagmamaneho ng minicar. Isaisahin natin ang nilalaman ng “code”.
PARA SA NAIS MAGKAROON NG LISENSIYA SA PAGMAMANEHO (DRIVER’S LICENSE)
Ayon sa binagong “road code”, ang sinumang may nais magkaroon ng driver’s license ay kailangang magpakita ng “medical certificate” na siyang magpapatunay sa hindi paggamit ng alak at droga. Ang sertipikasyong ito ang magpapatunay na walang naging sakit at maaari itong gamitin sakaling magpapanibago ng lisensiya.
Ang sinumang umaangkat, bumibili o tumatanggap ng droga ay hindi kaylanman magkakaroon ng driver’s license. Mahalaga ang magsanay sa pagmamaneho upang isyuhan ng driver’s license at hindi ito maaaring isagawa kung walang awtorisasyon upang makapagmaneho. Ang pagsasanay ay dapat ulitin bago matapos ang “validity” ng nasabing awtorisasyon.
Bukod sa issuance ng awtorisasyon upang magmaneho, ang sinumang may kakayahang pampisikal at silohikal ay kailangang dumaan sa pagsusulit upang alamin ang kaniyang kakayahan sa pakikinig at paningin, dapat mapasahan ang eksamin at ito’y isinasagawa sa loob ng anim na buwan mula sa araw ng aplikasyon. Hanggang dalawang beses na lamang ang ibibigay na pagkakataon upang mapasahan ang pagsusulit.
Kung magpapanibago (renewal) o hihingi ng duplicate ng lisensiya, ang registration stickers (tagliando adesivo) ay hindi na tinatanggap upang mag-renew, ang kailangan ay ang duplicate ng driver’s license document na may bagong petsa ng expiration.
Ang baguhang driver’s license holder na may kategoriyang B ay hindi puwedeng magmaneho ng mga sasakyang higit sa 55 kW/t sa unang taon mula sa araw na makuha ang lisensya.
Para sa mga over 80, kailangang magpa-medical check-up sa tuwing ikalawang taon upang makapag-renew ng lisensiya.
MGA ABISO AT PAGBABAYAD NG MULTA
Ang abiso sa paglabag sa road code ay dapat ipaabot sa loob lamang ng 90 na araw (hindi lalampas sa 150 days).
Ang posibilidad na magbayad ng multa mula sa halagang 200 euro sa paraang “installment basis” ay idinagdag rin sa mga pagbabago, halagang 100 euro bawat buwan, may hanapbuhay at nagriresulta sa huling deklarasyon na hindi lalampas sa 10.628,16 euro.
SPEED LIMIT
Mga bagong parusa (penalty) para sa mga taong hindi sumusunod sa patakaran ng “speed limit”. Magbabayad ng karampatang multa mula 500 euro hanggang 2000 euro ang sinumang lalampas ng higit sa 40 Km/h at sususpendihin ang driver’s license mula isa hanggang tatlong buwan. Maaari lamang magpatakbo ng sasakyan ang isang nagsasanay magmaneho hanggang 150 Km/hr sa kalsadang na may tatlong lane kung may kasamang tagapagturo. Tatanggalin ang “8 points” sa lisensiya ng drayber kung ang taong tumatawid sa pedestrian lane ay hindi patatawirin, ang parusang ito ay ipapataw rin kung ang tumatawid na invalid o bata ay wala sa pedestrian lane.
Maaaring magmulta ng 1.559 euro kung ang “domestic animal” ay nasagasaan at hindi tumigil upang ito’y iligtas. Kung ang takbo ng sasakyan ay higit sa 60 Km/hr ay magbabayad ng 779 hanggang 3.119 euro.
BAYAD SA REGISTRATION STAMP
Sa mga pagbabago ay idinagdag rin na ang sinumang hindi magbabayad ng buwis ng sasakyan sa loob ng tatlong taong magkakusunod ay tuluyang kakanselahin sa Pubblico Registro Automobilistico) PRA archive at hindi na papayagang makapagmaneho ng kaniyang sasakyan.
POINTS NG LISENSIYA
Ang taong madalas lumalabag sa alituntunin ng pagmamaneho at matanggalan ng 15 points sa loob ng isang taon at dapat dumaan sa eksaming teknikal upang makita kung ito’y may kakayahang pang magmaneho.
Ang patuloy na pagdalo sa mga kursong isinasagawa ng mga driving schools o awtorisadong tao sa motorization ay mabibigyang ng 6 points, 9 na puntos naman para sa may professional driver’s license.
Samantala, ang sinumang sumusunod sa “road code” sa unang tatlong taon mula nang makamit ang lisensiya ay makakatanggap ng isang puntos bawat taon, sa kasaluyang batas, ang nasabing puntos ay magiging dalawang puntos bawat taon hanggang 10 points for 2 years kung walang violation na nagawa.
Karagdagang pagbabago ay para sa nakamkaman ng lisensiya. Maaaring mabigyan ng pahintulot sa pagmamaneho per hour hanggang tatlong oras araw-araw mula sa “prefect” (prefetto) kung may patunay na gagamitin ito sa trabaho o kadahilanang pangsosyal.
Ang batas ng conversion sa comma 6 dell’art. 136 C.d.S. (comma 6 of art. 136 Highway Code) ay binago rin, ito’y ang tungkol sa conversion ng lisensiya na inisyu sa labas ng bansa at mga bansang kaanib ng European Community.
Ipinasok ang art. 6-bis na may dawalang panukalang parusa: ang una ay parurusahan ang sinumang magmamaneho na ang lisensiya o ibang tipo ng dokumento sa pagmamaheno ay hindi na valid na inisyu sa labas ng bansa, o may residente ng higit sa isang taon sa bansang Italya at may lisensiyang issued sa sariling bansa subalit patuloy na nagmamaneho.
Sa unang ipotesis, iaaplay ang criminal penalty para sa mga nagmamaneho na walang lisensiya at papatawan ng multa na nagkakahalaga ng 2.257 hanggang 9.032 euro at may parusang aksesorya upang hindi magamit ang sasakyan sa loob ng tatlong buwan, o kung mauulit ang violation, kukumpiskahin ang sasakyan bilang karagdagang administrative accessory sanaction.
Kapag ang administrative detention o pagkumpiska ng sasakyan ay hindi puwedeng isakatuparan, iaaplay ang parusang aksesorya sa suspensyon ng lisensiya sa loob ng tatlo hanggang 12 months.
Ang pangalawang ipotesis ay ang adminsitrative sanction sa paraang pagbabayad ng halagang 155 euro hanggang 624 euro bilang parusang aksesorya at suspension ng sasakyan sa loob ng 60 na araw.
Sinusugan ng lehislatura ang art. 6-ter batas Hunyo 27, 2003, n. 51 at napalitan ng mga pagbabago sa batas n. 214/2003, na ang lahat ng mga may lisensiyang nakuha sa labas ng bansa ay susunod sa sistema ng pagtanggal sa mga puntos, samantala, sa kasalukuyang batas, ito’y ipinatutupad lamang sa mga drivers ng mga Estadong hindi nagpapatupad ng point system.
PARA SA MGA NAGMAMANEHO NG BISEKLETA
Ang sinumang nagmamaneho ng bisekleta sa labas ng bayan ay kailangang magsuot ng vest at reflective jackets kalahating oras bago sumikat ang araw at kalahating oras bago lumubog ang araw at dapat isuot ang naturang jackets kung dadaan sa loob ng gallerie.
Driving under the influence of alcohol and drugs
Ang mga pagbabago sa alituntunin ay upang mapangalagaan ang kaligtasan sa kalsada, ang layunin nito ay upang supilin at parusahan ang sinumang magmamaneho na uminom ng alak at gumagamit ng droga.
Ang art. 186 sa cds, pagmamaneho na may inom na alak, binago ang ilang puntos nito: ang pagkalasing ay hinati sa tatlong kategoriya na may mahigpit na parusa dahil sa pagtaas ng bilang sa aksidente.
Ang parusang ipapataw ng lehistratura sa mga nagmamaneho ng lasing ay papasok sa unang kategoriya, ang pinakamababa ay ang “alcoholic volume” na hindi lalampas sa 0,5 gl at hindi bababa sa 0,8 gl, kung nasa ilalim nito, ang ipapataw na multa ay 500 hanggang 2.000 euro at suspensyon ng lisensiya mula tatlo hanggang anim na buwan.
Ang ikalawang kategoriya sa pagmamaneho na uminom ng alak na may “alcoholic volume” na higit sa 0,8 gl at hindi lalampas sa 1,5 gl ay mananatili ang multang 800 euro hanggang 3200 euro at aarestuhin hanggang anim na buwan.
Bilang karagdagang parusa, sususpendihin ang lisensiya mula isa hanggang dalawang taon.
Kung mahuli na uminom ng alak na higit sa 1,5 gl, magbabayad ng 1500 hanggang 6000 euro, aarestuhin ng anim hanggang isang taon, sa dating teksto ng batas, ang pag-aresto ay mula tatlo hanggang isang taon. Ayon sa mga bagong batas babawiin ang lisensiya at hindi na mabibigyan pa ng bagong lisensiya sa unang tatlong taon mula sa araw na nagsagawa ng krimen.
Ang nagiging dahilan kalimitan ng aksidente sa daan ay ang pag-inom ng alak at paggamit ng droga kaya’t ang parusa ay nadagdagan at dahilan upang ipatupad ang pagsamsam sa sasakyan ng 180 days sa halip na 90 days tulad ng dating nakasaad sa batas.
Idinagdag rin ng lehislatura ang bagong artikulo, ang 186 bis, na kung saa’y mahigpit na parurusahan sa paraang partikular ang ilan sa mga kategoriya ng mga drayber, kaya’t ipinagbawal na ng tuluyan ang pag-inom ng alak, nangangahulugang zero ang “alcohol volume”.
Ang mga atas na ito ay para sa mga bagong driver (para sa mga baguhan na may lisensya na kategoriya “8” ng tatlong taon), sa may edad na 21, at mga drayber na nagmamaneho ng mga sasakyang pampasahero at may dalang mga bagay (Nagmamaneho ng trak na naglalaman ng higit sa 3.5 tonelada – sasakyan na may sakay na hindi hihigit sa walo hindi kasama ang drayber, articulated car at buses).
Kung mapatunayan na sa mga kategoriyang ito ang “alcolohol volume” ay 0,0 at 0,5 gl, ang multang ipapataw ay 155 euro hanggang 624 euro, kung makaaksidente naman, ang parusa ay doble at tatanggalan ng 5 points ang lisensiya. Kung lumampas sa 0,5 gl, ang multa ay katulad sa ibang kategoriya ng mga drayber. At kung mahuling ang “alcohol volume” ay higit sa 1,5 gl at noon pa man ay nahatulan na ng dalawang taon dahil sa ginawang krimen, ang lisensiya ay babawiin at maaari lamang magkaroon ng bagong lisensiya makalipas ang tatlong taon.
Upang maiwasan ang paggamit ng alak, ipinatutupad rin ang mahigpit na pagbabawal sa pagtitinda ng mga alak sa mga higways mula ika-10 hanggang ika-6 ng umaga sa mga lugar na tinitgilan ng mga sasakyan sa highway. Sa lugar ding ito, ipinagbabawal ang pagami at alcoholic drink mula alas-dos hanggang alas siete: ang hindi susunod sa batas ay magmumulta ng halagang 3,500 hanggang 10.500 euro. Kung sa loob ng dalawang taon ay muling inulit ang isa sa mga violation na ito, sususpendihin ng prefecture ang lisensiya dahilan sa paggamit ng alak.
Kahit ang mga nahuling nagmamaneho under the influence of drugs or psychotropic substances ay hinati ang kategoriya at kung ang drayber ay nagdroga, ang multa ay 1500 hanggang 6000 at aarestuhin ng anim na buwan at suspension ng lisensiya isa hanggang dalawang taon.
Para sa mga baguhang drayber na nagnamamaneho bilang propesyunal na hanapbuhay ay pagmumultahin. Ang pagbawi sa lisensiya ay isasagawa sa loob ng dalawang taon at paparusahan ng higit sa parusang ipinapataw sa ibang drayber. Ang pagbawi sa lisensiya ay isinasagawa kung sa nakaraang dalawang taon ay nahatulan dahil sa magkaparehong kasalanang ginawa. Maaari lamang mabigyang muli ng lisensya makalipas ang tatlong taon mula nang isagawa ang krimen. Ang imbestigasyon sa isinasagawa ng mga pulis sa tulong nga mga tauhan sa kagawarang pangkalusugan. (Liza Bueno Magsino)