in

Sigaw ng mga Pinoy , iurong pagtanggal ng middle name

Mahigpit na tinutulan ng mga konsehal sa Roma at ibang leaders ang pagpapatupad ng ng circular no. 29. Apektado libo-libong Pinoy sa Italya sakaling tuluyang ipatupad ito sa mga local offices sa bansang Italya.

Mainit pa rin ang usapin sa pagitan ng Philippine Embassy of Rome at mga Filipino leaders (Councilors, Coordinators of different Communities, Presidents of different Associations) ukol sa CIRCULAR no. 29/2010 na inaprubahan ng Ministero dell’Interno  tungkol pagtatanggal ng middle name ng lahat ng Filipino sa Italian documents.
Sa usaping ito ay patuloy ang pagtutol di lamang ng sambayanang Pilipino kundi pati na rin ng mga nabanggit na leaders. Kaakibat nito ay ang walang patid na pakikipag-ugnayan ng mga Consiglieri Aggiunti, kasama si Liza Bueno Magsino ng  Ako ay Pilipino at Centro Servizi Per l’Immigrazione ng Provincia di Roma sa tanggapan ng Embahada.

Wala pang malinaw na direksyon hanggang sa kasalukuyan ang nasabing circular. Malinaw lamang ang laking kaguluhang dulot nito sa mga Pilipinong nag-aayos ng dokumento, mula sa Codice Fiscale, Renewal ng Permit to stay, First Issuance ng kilalang Carta di Soggiorno (na ngayon ay Permesso di Soggiorno CE per lungo soggiornanti) at Carta di Identità hanggang sa driver’s licence.

Matibay ang paniniwala ng mga Consiglieri Aggiunti at ng Ako ay Pilipino, na ang pagtatanggal ng midde name sa lahat ng Italian documents tulad ng ibang mga Pilipino sa ibang parte ng mundo at tulad na din ng pananaw ng Embahada, ang pagtatama ng maling pagamit ng ating mga middle name hanggang sa kasalukuyan, at ito ay dahil na rin sa pagsunod sa alituntuning inilahad ng Philippine Embassy noong 2004,  SA PANAHONG NARARAPAT AT SA TAMANG PARAANG HINDI MAHIHIRAPAN ANG libo libong residenteng Pilipino sa Italya, lalo na sa Lazio at ibang bahagi ng Italya.

Upang mapagtibay ang hangarin ng mga konsehal na Pilipino at ng Ako ay Pilipino na pansamantalang iurong ang Circular no. 29, kasabay nito ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang Italian offices  upang di maapektuhan ng lubusan ang libo-libong dokumentasyong ngayon ay nakapasok sa Italian government, pinirmahan ng mga consiglieri aggiunti na sina Romulo Sabio Salvador ng Roma Capitale, Joselito Dabadilla Ramirez ng I° Municipio, Alexander Capuccino Malabrigo ng II° Municipio, Romeo Raymundo Ramos ng IX° Municipio, Pia Eliza Angeles Gonzalez ng XVI° Municipio, Demetrio Ragudo Rafanan ng XX° Municipio at Analiza Bueno Magsino ng Ako ay Pilipino at CSI della Provincia di Roma ang opisyal na komunikasyon ng PAGPAPAURONG SA CIRCULAR NO. 29 at mga posibleng “consequences” ng pagtatanggal ng “middle name” na bahagi ng ating tatak bilang Pilipino sa ibayong dagat.

Download the petition letter

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permessi di soggiorno, renewal nabibinbin!

Dukot, mapapanood na!