Salamat sa Umangat Migrante sa pakikipagtulungan ng Roma Capitale ay mapapanood natin dito sa Roma ang isang pelikula na hango sa tunay na storya ng humigit kumulang na 1000 katao na pinaslang dahil lamang sa kanilang hangarin na ituwid ang isang gobyernong punong puno ng katiwalian. Ito ay ang ‘ DUKOT’ , isinulat ni Bonifacio Ilagan at pinangunahan ng beterang aktres na si Gina Alajar.
Sa kasamaang palad ang pelikula ay hindi naipalabas sa Pilipinas dahil sa hindi pagsang ayon ng nakaraang administrasyon ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Bagkus, ito ay natunghayan ng ating libo libong mga kababayang OFWs sa ibayong dagat na may hangarin ring makiisa sa pagpuksa sa problema ng ‘violation of human rights’ sa ating bansa.
Malaki ang pasasalamat ng mga Pilipino dito sa Roma at sila ay nagkaroon ng pagkakataong makadaop palad ang sumulat, pati na rin ang pangunahing aktres ng pelikulang ito, upang mag anyaya na panoorin ang DUKOT sa darating na Linggo, ika 14 ng Nobyembre sa ganap na alas 2.30 at alas 7 ng gabi sa Sacro Cuore, Via Marsala n. 42.
Naging mahalaga din ang pakikipanayam ng mga Pilipino sa nabanggit na mga panauhin kagabi. Bukod sa magagandang ngiti at shots na kasama ang writer at actress ng film, ginanap din ang press conference sa Via Urbana, alas 6 ng gabi .
Isang mahalagang katanungan mula sa Stranieri in Italia ang buong tapang na sinagot ng manunulat. ‘Bilang isang OFW, ano ang pwede naming gawin para makatulong na sugpuin ang mabigat na problema ng human rights sa ating bansa? Bilang mga ofw ay malaki ang inyong maitutulong sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga initiative ng Umangat Migrante, na naghahangad lamang na buwagin ang anumang uri ng katiwalian at ang pag pirma ninyo sa napakaraming petition letters ng grupo’, sagot ni Boni.
‘Pain, dahil po hindi nila binayaran ang aking talent fee’, ang pagpapatawang sagot naman ni Gina Alajar ng itanong ng Stranieri in Italia kung ano ang bagong emosyon ang kanyang naramdaram sa paggawa ng film na ito. ‘may tapang kong ginampanan ang aking role dito dahil, bukod sa nais ko ring makatulong ay may nagawa na akong film tulad nito’, pagtatapos ng aktres.
Dukot, mapapanood na!
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]