in

Mga paalala sa pag mamaneho

Sa sinumang magmamaneho pagkatapos ng isang dinner kasama ang mga kaibigan at nakainom ng table wine ay hindi na pwedeng sabihin ang hindi pagkakapansin ng pag-inom ng sobra sa nararapat.

Mula kalagitnaan ng Nobyembre, ayon sa batas, ang mga bar at restaurant ay dapat magsara ng hatinggabi at obligadong maglagay ng breathalyzer, isang instrumento na sumusukat sa konsentrasyon ng alkohol sa katawan.

Ang lumampas ng 0.5 grams na alak sa bawat litro ng dugo, ay hindi na maaaring magmaneho. Ang test ay kusang-loob pa rin at ang resulta nito ang nagpapakilala lamang ng pagsusuri na dapat gawin ng mga pulis na siyang may legal value.

Dapat ding magpakita ng dalawang tables sa mga food stands. Ang una ay naglalarawan ng mga sintomas para sa iba’t-ibang concentrations ng alak sa dugo. At ang isa naman ay ang naglalahad ng quantity ng normal na pag-inom na higit sa itinakda ng batas na nababatay sa gender, sa laki ng katawan at kung busog o hindi ang isang tao.

Para sa mga lugar na hinidi susunod ng mga bagong alituntunin ay may multa hanggang 1200 €, habang ang mga nagmamaneho na nakainom, bukod sa multa ay ang suspension ng lisensya, at maaari ring makulong at makumpiska ang sasakyan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Protezione Civile, may bagong pangulo

Katotohanang mula sa European Migration Network