Sa Italya mayroong 1,400,000 dayuhang caregivers, at mga naglilingkod bilang mga ‘kasambahay’ ng mga Italians ngunit ang kalahati ng mga ito ay walang regular na kontrata.
Ayon sa Ikatlong ulat ng European Migration Network Italia, halos 700,000 ang mga dayuhang walang kontrata, mula sa kanilang pagsisiyasat sa “market labor at immigration” na pinag-aaralan din ang mga kalagayan sa trabaho ng mga dayuhan sa Italya, simula sa mga reports ng Ministry of Interior at Caritas 2010.
Sa pagsisiyasat ay nadiskurbre sa INPS na ang nakarehistro lamang ay higit sa 700,000 na domestic helpers lamang, tinatayang 4 lamang sa bawat 10 mga kababaihang migranteng manggagawa ay ang nakarehistro, sa halip, ayon sa mga survey, sa trabahong ito, ang bilang ay hihigit pa sa dalawang beses sa tinatayang bilang ng mga dayuhang babae , ayon sa INPS at sa karamihan ng mga Italian families.
Ang survey na nagpapakita ng kahirapan ng isang sektor tulad ng sa mga domestic helpers at caregivers, kung saan ay nahahayag ang laganap problema ng pagta trabaho ng walang kontrata (o nero).
Ang huling regularization noong 2009, natapos na may 295,000 lamang application sa INPS mula sa sector na ito.