Ang krisis sa pamahalaan ay nagbubunga ng hindi tiyak na mga hakbang sa immigration, mag hakbang na inumpisan na, ngunit hindi pa maipatupad ng batas.
Ang kakulangan ng majority sa parliament na maprubahan ang mga ito, ay nagiging dahilan ng pananatili lamang sa papel ng mga ito tulad ng ‘bill’ sa pagre renew ng mga permit to stay sa mga munisipyo, gayun din ng deportation ng mga mamamayang comunitari na hindi kwalipikadong manatili sa Italya.
Suspendido din ang mga kasunduan tungkol sa ‘integration’, na naghahangad na mapabuti ang pananatili ng mga dayuhan sa Italya, tulad ng pagkilala ng wikang sa Italiano. Ang kasunduan ay naka pending ng ilang buwan sa opinyon ng mga kinatawan sa regione, sa provincia at comune, na nagnanais na makakuha ng linaw sa pondong gagamitin upang maipatupad ito.
Sa wakas, patuloy ang paglabo ng bagong tax sa mga permit to stay. Ang pamahalaan ay hindi pa handa sa mga alituntunin at mga rates nito. Walang migrante naman ang naghahangad ng aplikasyon ng nasabing tax.