in

‘Madaling citizenship para sa mga estudyante’ – FINI

Pakikipanayam sa Pangulo ng Kamara. “Karapatan ng pagboto para sa mga imigrante”

Kailangan ng isang reporma na gagawing mas madali para sa mga kabataan ng  pangalawang henerasyon ang maging Italian citizen. Ang mga ito ay ang ilan sa mga isyung tatalakayin ni House Speaker Gianfranco Fini sa isang pakikipanayam sa Stranieiri in Italia.

President, ano ang ibig sabihin ng pagiging Italyano sa mga panahon ngayon?

Ang bagong Italians ay ang lahat ng mga taong tinuturing ang Italya na kanilang pangalawang tahanan, kahit na hindi nila maaaring ituring na ito ay lupain ng kanilang mga magulang (tahanan, nangangahulugan lupain ng kanilang mga magulang). Sa Italya ngayon ay may ilang milyong mga mamamayan, marami sa kanila nag walang citizenship, ngunit sa palagay nila ang kanilang bansa ay ang Italya, kapag may  laro ang national team, sila ay kakampi natin sa ating team, nagbibigay galang kapag nakikita ang bandila, may mga kabataang babae at lalake na sa kasalukuyan ay mga sundalo.Sila na ang tinuturing na mga bagong Italians, mahal nila ang kanilang bansa, na hindi bayang sinillangan ng kanilang mga magulang, dahil sila ay mga anak ng mga taong dumating upang maghanapbuhay o may mga dumating sa kanila dito ng mga bata pa kasama ng pamilya.

Ang mga nangyari sa anak ng Italians na nag migrate?

Hanggang sa ilang araw na nakalipas, ang aking kasamahan, ang Presidente ng Kongreso ng Estados Unidos ay si Nancy Pelosi – ang pangalang malinaw na Italiano. Ang dating Presidente ng Uruguay si Sanguinetti- tipikal na pangalang ay Italyano. Maaari akong magbanggit pa ng maraming iba. Kaya masasabing kami ay may isang kasaysayan ng emigration, kami ang dapat na may matatag na sinaunang kultura laban sa sinpobya, at sa pulitika ng integrasyon ng mga imigrante sa  pagtuturo ng magkatulad na kasaysayan.

Ang panahon ay lubhang mahaba para maging ganap na Italian. Kahit ang mga batang ipinanganak dito ay nanatiling estranghero hanggang sa pagdating ng ika18 taon kahit pa ang kanilang pakiramdam ay tulad ng kanilang mga kaklaseng Italyano. Ano ang dapat gawin dito?

Personal akong maraming mga duda sa posibilidad na idagdag sa ating saligang batas ng tinatawag jus soli: kung ikaw ay ipinanganak sa Italya, ikaw ay awtomatikong isang mamamayang Italyano. Bakit maraming mga bansa na may ganitong batas ang nagkakaroon ng maraming problema. Ngunit sa tingin ko, ito ay hindi dahilan ng paghihintay ng18 taon. Ang mga kabataang ito pagdating ng 10, 11.12  taong gulang, sa paaralan kasama ng kanilang mga kaklase ay may parehong grupo ng football player , nag dadamit din sila sa parehong paraan, marahil ay sinasabi nila: “Kayo ay naiiba, hindi kayo Italyano, hindi ko kayo katulad.”

Ano ang inyong mungkahing dapat gawin?

Ang aking mungkahi ay: pagkatapos ng isang bata ng pag aaral, na permanente ang pananatili sa Italy dahil sa pamilya, sa aking opinyon, sila ay may karapatan na maging mga Italians, nang hindi maghihintay ng 18 taon.

Sa Immigration, ang inyong posisyon ay madalas taliwas sa mga nasa pamahalaan.

Ang mga taong pumasok sa Italya ng illegal ay malinaw na dapat ay ipa deport. Kami ay hindi maaaring tumanggap ng lahat ng mga taong nais pumasok ng bansa. Ngunit may malaking  pagkakaiba sa pagitan ng mga taong pumasok ng illegal, at dumating ng Italya ng may permit to stay, at may kontrata. Lalo na ang kasalukuyang batas ay ipinangalan sa akin,  dahil ako,  kasama   ang kagalang galang na si Umberto Bossi ay nagtatag ng programang may permit to stay ang lahat ng may kontrata. Kaya’t mas higit ang atensyon sa isyu na ito.

Ang mga deputees na inyong mga kapartido sa ,’Futuro e libertà per l’Italia’ ay kasamang bumoto ng mga oppositions sa pagbabago ng kasunduan sa Libya.

Sa Kamara, may isang mula sa majority, ikinalulungkot kong sabihin, matapos maaprubahan ang mga susog upang buksang muli ng Libya sa Tripoli ang opisina para sa proteksyon ng mga karapatan ng refugees, may nagsabi na aming gustong pahintulutan ang pagpasok ng mga iligal na dayuhan. Ang ganitong paraang instrumental ng pagtugon sa mga isyu ng imigrasyon ay hindi nagdudulot ng karangalan sa pulitika.

Noong 2003, Kayo ay nagmungkahi ng pagbibigay sa mga regular na imigrante ng karapatang  bumoto sa lokal na halalan. Ano po ang masasabi nyo ngayon?

Hindi ako nagbago ng isip at opinyon. Ibig kong sabihin sa boto ng lokal na eleksyon ay ang pagpili  ng mayor, sa presidente ng lalawigan, ang mga konseho ng lungsod. Ito ay isang karapatan, ang bumoto sa lokal na halalan, na nagaganap na dito sa Italya sa mga mamamayan ng European countries na walang Italian citizenship pero bumoboto sa pagpili ng mayor. Bakit ipagkakait ito sa mga mamamayang babae at lalaki na wala pang citizenship, na naninirahan na sa Italya.

Ngunit ano ang mga kinakailangang requirements?

Upang  ibigay ang karapatang ito ay kinakailangan ng isang sapat na panahon ng paninirahan dito, ang isang tiyak na address, at isang kalagayan o sitwasyon kung saan mapapakita ang pagnanais ng isang manggagawa ang partesipasyon, ang bumoto at maging iboto. Ito ay magiging napakaganda kung sa mga konseho sa munisipyo ay may mga kinatawan na inihahalal ng iba’t-ibang mga komunidad na nasa Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang domestic helper na may sakit. Ano ang dapat gawin?

Bakasyon ngayong Pasko!!!!