in

Bakasyon ngayong Pasko!!!!

Ang winter vacation ay isang magandang pagkakataon upang bumalik sa home country, ngunit ang biyahe ay binabase din sa sitwasyon ng permit to stay. Kung ito ay valid pa, dalhin lamang ito kasama ng pasaporte at maaaring mag biyahe ng Italya at ng sariling bansa. Maaari ring mag biyahe sa tinatawag na Schengen countries, na kasama ang 28 bansa sa Europa.

Sa mga nag rerenew naman ng permit to stay, maaaring mag biyahe ng Italya at ng sariling bansa lamang at hindi maaaring magbiyahe sa Schengen countries, kahit pa stop over lamang. Bukod sa pasaporte at sa permit to stay na pasò, dapat dalhin ang resibo ng renewal, na ko kontrolin ng mga pulis sa muling pagpasok ng Italya.

Maaari namang magbiyahe ng Italya,ng sariling bansa at ng mga bansa sa Schengen, ang mga naghihintay ng first issuance ng permit to stay na pangtrabaho o  pang pamilya. Ganun pa man,  napakahalaga na ang visa ng pagpasok sa Italya ay balido sa panahon ng bakasyon at dalhin ito kasama ang pasaporte at ang resibo ng aplikasyon ng first issuance ng permit to stay.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘Madaling citizenship para sa mga estudyante’ – FINI

Christmas bonus, malapit na!!!