Hindi sa shopping ni sa pagtitipid mapupunta ang Christmas bonus o 13th month pay ngayong taon kundi sa mga bayaring nananatili sa balikat ng mga pamilya, na patuloy na pinahihirapan ng krisis. Ito ay inihayag ng isang survey ng CGIA Mestre, ang house rent, loans, car insurance, house bills ay kumakain ng higit sa kalahati ng karagdagang suweldo ng lahat ng empleyado tuwing Disyembre. Tanging labing limang porsiyento lamang ang lalabas na ipon, at halos tatlumpung porsiyento ay magagamit sa pamimili ng mga regalo at pang biyahe. Ang pagbaba ng konsumo, sa ganitong panahon na karaniwang para sa shopping ay hindi nakakatulong upang pataasing muli ang ekonomiya.
Kaya nga hindi pa tinatanggap ang isang panukala, ang tanggalin ang buwis sa 13th month pay ng mga manggagawa na may higit na pangangailangan. Isang panukalang suportado rin ng asosasyon ng mga mamimili, na humihiling na simulan sa Disyembre ang ‘sale’ o pagbebenta na may bawas presyo, na karaniwang inuumpisahan pagkatapos ng Pasko.