Bibigyang pansin ng pamahalaan ang isang bagong regularisasyon sa kahilingan ng majority at oposisyon.. Isang pangako sa Parlyamento habang nagdi diskusyon ng mga patakaran para sa stability at budget. Ang pinakahuling regolarisasyon ay inumpisahan noong 2009 at hindi pa natatapos hanggang ngayon, ito ay limitado sa mga domestics, at isinangtabi ang ibang sektor na may mga trabahador na walang permit to stay.
Bukod dito, sa kabila ng mahihirap na requirements sa pagsusumite ng aplikasyon, isang mataas na numero pa rin ang hindi kwalipikado. Ang sitwasyong ito ay humantong sa napakaraming protesta sa buong Italya, kasama ang nakaka gulat na pag akyat ng mga migrante sa crane sa Brescia at sa isang chimney sa Milan. Dito nanggaling ang mga kahilingan ng majority at oposisyon ng isang regularisasyon sa lahat ng sektor na may mga dayuhang manggagawa, tulad ng konstruksiyon, agrikultura at catering. Ngayon nasa pamahalaan ang pagtupad sa binitawang salita, sa tamang panahon habang nasa krisis ang pulitika.