ANO ANG MUTUO O LOAN
Ang mutuo o pautang o loan ay financing na maaaring makamit upang gamitin sa pagpapaayos o magpapatayo ng sariling bahay (unang bahay) o upang bumili o ipagawa ang bahay-bakasyunan (pangalawang bahay).
Ang pautang o loan ay gawain ng mga Bangko, Credit Institution and Financing Company. Ang loan ay nakukuha nay may fix rate, kasama dito ang buwanang hulog sa kapital at itinakdang interes (fixed interest) o pagbabà at pabago-bagong interes (variable rate).
Ang panahon na iginugugol sa loan kalimitan ay mula 5 hanggang 30 taon, ang ilan sa mga bangko ay nagbibigay rin ng 40 at 50 taong hulog. Karaniwan ang loan ay ibinibigay hanggang 80% ng halaga ng bahay; ang iba naman ay nagpapautang hanggang 100%, subalit ang kondisyon generally ay mahigpit o may mga karagdagang garantiya.
ANG IBA’T IBANG TIPO NG MUTO/LOAN
Ang bawat kontrata ay may tatlong pangunahing elemento: ang napiling interest rate, haba ng panahon at tipo ng karagdagang garantiya bukod pa ang “mortgage”. Ang interest rate na inaaaplay sa pautang ay siyang nagdedetermine sa tipo ng kontrata. Ito ay maaaring:
– Kontrata na may fixed rate: ang halaga ng hulog sa loan ay hindi nagbabago.
– Kontrata na may pabago-bagong interest: ito ay kung ang hulog sa loan ay nagbabago dipende sa napagkasunduang parameters na kung saan ay ibinabase sa market rate at nagpapautang. Sa pangunahing kasunduan, puwedeng iaplay ang isang “spread” (increase o dagdag) upang tumaas ang kita.
– Joint contract: dito ay iniaaplay ang kaukulang panahon at mga susunod pang panahon, gayun din ang interest rate at variable rate.
– Kontrata na may flat rate: ito ay nangangahulugan na sa unang buwan o itinakdang mga unang panahon, iniaaplay ang reduced rate. Sa expiration ng nasabing panahon, iniaaplay ang fixed rate/o adjustable rate sa oras ng expiration date.
PLANO SA PAGBABAYAD (REPAYMENT PLAN)
Ang plano sa pagbabalik-bayad ay isang paraan upang ang loan ay tuluyang mabayaran. May iba’t ibang tipo ng pagbabayad sa loan. Ang kilalang plano ay ang “ammortamento alla francese”: Sa bawat hulog kasama na ang kapital at interest. Ang halaga ng kapital at interest ay bumababa, kaya’t sa umpisa pa lamang na magbayad ay may interest na dapat bayaran, habang nalalapit ang expiration, unti-unti ring nababayaran ang kapital na inutang. Ang iba pang pamamaraan ay kumakatawan sa mga plano na may tumataas na rate (ang hulog na binabayaran ay hindi fixed subalit tumataas ang halaga nito bawat hulog), sa free amortization naman (ang hulog ay mayroon lamang na share of interest and capital na binabayaran sa loob ng panahong itinakda), o ang fixed rate at adjustable duration (ang hulog ay nananatili samantalang ang pagbabago ay may nakatakdang interest sa pamamagitan ng pagpapaiksi o pagpapahaba ng plano sa pagbabayad).
ANG HULOG O INSTALLMENT
Ang hulog ay kumakatawan sa paraan ng pagbabayad at hinahati sa halaga ng interest at kapital na inutang, ito’y may nakatakdang patlang at sa magkaparehong panahon: buwanang hulog, kada tatlong buwan at animang buwan. Ang pagbabayad ng tama sa takdang araw o on time ay mahalaga proseso ng loan, sapagkat ang pagkaantala (late) o hindi pagbabayad ay may dagdag na interest. Ang bangko ay maaaring mag-apela na dahilan upang i-terminate ang kontrata kung ang delayed payment ay napatunayang ginawa nang pitong beses kahit ito’y hindi magkakasunod.
Itinuturing na “delayed payment” kung ang hulog ay binayaran sa 30th at 180th na araw mula sa huling araw ng hulugan.
ANG SANGLA O MORTGAGE
Upang makakuha ng loan kailangan ang garantiya: ang sangla o mortgage ay malaki ang naitutulong sa pag-utang. Ang kasulatan sa pagsangla ay isinasagawa sa harap ng isang notary public (notaio) at nagbibigay ng kasiguraduhan sa isang lending company sakaling walang ibabayad sa oras ng bayaran. Ang bagay na pwedeng isangla ay bahay lamang; ito’y nagbibigay ng karapatan sa nagpapautang ng kasiguraduhan na kung wala ng kakayahang magbayad ang umutang ay may maaaring kapalit sa halaga ng loan.
Ang karapatan ng may-ari sa bahay na isinangla ay maaari pa rin siyang manirahan dito subalit hindi niya ito maaaring ituring na parang sariling tahanan.
FACILITATION
Ang passive interest na binayaran sa mortgage loan upang ibili ng bagong bahay ay deductible sa IRPEF. Ang deduction ay 19% ng halagang umaabot sa 3.615,20 euro.
Deductible sa IRPEF kahit ang interest sa loan na kinuha upang gastusan ang pagpapagawa ng unang bahay. Sa kasong ito, ang pinakamataas na halaga ay laging umaabot sa 19% sa halagang 2.582 euro (halagang hindi puwedeng baguhin ng Legge Finanziaria 2007).