in

PARATANG SA MGA KONSEHAL, MABILIS BINIGYAN KASAGUTAN!

Paglilinaw mula sa mga konsehal ng Roma sa mga paratang sa kanilang posisyon ukol sa Circular 29.

Mabigat na paratang sa mga konsehal ng Roma at sa representative sa Italian public offices, ang lumabas sa nakaraang protesta laban sa aplikasyon ng Circular 29 at pagpapabayad diumano ng Embahada sa mga Consular certificates noong nakaraang Huwebes sa harapan ng Embahada ng Pilipinas. Ayon sa isang interview sa presidente ng Umangat Migrante, kanyang pinaratangan diumano ang mga konsehal sa pagsasabotahe, sa dialogo sa pagitan ng Embahada at ng mga nag protesta sa mga naging pananalita nila sa nasabing dialogo.

Hindi nag atubili ang mga konsehal at matapang na hinarap ang bagong isyung ito, matapos ang unang paratang ng kanilang mahimbing na pagtulog sa harap ng isang mainit na isyu tulad ng ‘circular 29’ sa isang radio transmission sa Roma.

‘Mabigat ang pananalitang ‘sabotahe’ sa panahong kaming lahat bilang konsehal ay nagkaisa at sama samang kumilos para sa ikabubuti ng sambayanan. Hindi namin inalintana ang lakas ng ulan at bigat ng obligasyon na nakaatang sa aming mga balikat, matapos naming harapin ang direktor ng Anagrafe Centrale Ottavianelli, si Ambassador Manalo, Consul General Ibayan, Consul Salle pati na rin ang Prefetto na mismong lumagda ng Circular 29. Amin lamang pong ginampanan ang aming tungkulin ng ayon sa aming kakayahan’ mga pananalita ni Romulo Salvador. ‘Ang aming naging pananalita ay naaayon lamang sa aming naging trabaho, liban doon, ay wala kaming kapasidad na pangatawanan’, dadgdag pa nito.

‘Patuloy naming binabantayan ang paglabas ng ‘regolamento d’attuazione’ na syang magiging lunas sa lahat ng ating mga pangamba sa hirap, gastos at pagod na maaaring harapin ng bawat Pilipino ng regione Lazio at mga kalapit bayan. Kapakanan lamang po ng lahat ng Pilipino sa buong Italya at hindi ng iilang bahagi lamang ang aming inisip sa mga panahong ito. Mga salita naman ni Konsehal Pia Gonzalez

‘Dalawang buwan na kaming halos linggo linngong may meeting ukol sa bawat hakbang na aming sama samang pinag aaralan. Halos apektado na rin ang aming mga trabaho ngunit alam naming ito ay amin ring obligasyon na dapat gampanan’ ayon naman kay Jessie Ramirez, konsehal ng Municipio 1.

‘Isang magandang aral din para sa amin ang mga pangyayaring ito, patunay na ang mga Pilipino ay kayang magkaisa sa iisang hangarin tulad ng ating mga Konsehal. Ako, bilang naging parte nila para sa ‘Stranieri in italia’ at para sa CSI na nagbibigay ng serbisyon sa libu libong Pilipino, hindi naging madali ang aking ‘role’ sa loob ng grupo, ngunit ang aking mga nilahad na samu’t saring mga ‘experience’ ay naging basehan ng aming sama samang hakbang’ , mga pangungusap ni Analiza Bueno Magsino.

Bilang pagtatapos, ay isang imbitasyon mula sa grupo, marahil sa ikalawang Huwebes ng Enero para sa isang forum kung saan magiging pangunahing tagapagsalita ang mga Italian authorities upang ipaliwanag ang mga kaganapan ng Circular 29.

Isang magandang pananalita naman ang binitiwan ni Linda Balmes at Egay Bonzon ang nagsilbing inspirasyong sa ating mga kinatawan sa Comune at mga Munisipyo; Ang sugat na natatamo ng bawat sundalo, ay sugat na nagbibigay tapang sa pagbangong muli at pagharap ng panibagong ingkwentro.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ROMULO SALVADOR, sa kanyang year end report

PERMIT TO STAY SA MGA INABUSONG MANGGAGAWA