Ako ay isang migrante at kailangan kong i renewa ang aking permit to stay. Ilang taon na ang nakaraan, ako ay nagkaroon ng isang krimen at takot ako na maaaring tanggihan ng mga pulis ang renewal ng akng permit to stay. Ano ang dapat kong gawin?
Ayon sa Immigration Act ang mga migrante ay hindi maaaring magrenew ng permit to stay kung sila ay hinatulan ng pagkakasala sa batas.
Partikular, ang artikolo 4 ng batas sa immigration, sinasabi na ang sinumang nahatulan ng krimen, tulad ng binanggit sa artikolo 380 ng Criminal Procedure Code, tulad ng nakawan o ang pagbebenta ng mga pekeng bagay ay hindi maaaring i-renew ang permit to stay, kahit na may kontrata ng trabaho at kita.
Samakatuwid mahalagang suriin ang mga pamamaraan para sa kanselasyon
(riabilitazione penale) upang ma i renew ang permit to stay.
Ang mga migrante na nahatulan pagkatapos ng isang sentensya ay may karapatang mag apply ng criminal cancelation o kanselasyon ng pagkakasala na parang hindi kaylanman ito ginawa.
Sa bawat hukuman ay may isang electronic archive kung saan ipinapasok ang lahat ng mga naging hatol ng hukom, maging ang mga hinatulan pati ang mga na absuwelto, pagkatapos ng isang proseso kung saan inaakusahan ng isang krimen ang isang tao.
Ang mga nahatulan ay maaaring pumunta sa hukuman at humingi ng sertipikasyon mula sa mga talaan ng hukuman, naka-link ito sa electronic archive, kung saan sinusuri ang mga posibleng krimen ng aplikante.
Ang Criminal Cancelation (riabilitazione penale) ay nagpapahintulot sa pagkakansela ng mga krimen at ang hindi paglabas nito sa sertipikasyon tulad ng NBI clearance ng Pilipinas.
Para sa batas ay posible ang kanaselasyon kung ang nahatulan ay magpapakita lamang ng katibayan ng mabuting pag-uugali, na hindi nasangkot sa iba pang mga krimen at nagbayad ng mga gastusin na may kinalaman sa paglilitis o ang anumang kabayaran sa napinsala.
KUNDISYON SA PAGHINGI NG KANSELASYON
Ang isang dayuhan ay maaaring mag-apply ng kanselasyon para sa pagpapanibagong-buhay ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
1) makalipas ang tatlong taon mula sa pagsuko sa mga parusang ipinataw.
Ang hinatulan, na may mga benepisyo sa suspension ng parusa, ang tatlong taon ay magsisimula sa petsa kung kailan iginawad ang huling sentensya at hindi na maaari pang mag apila.
Ang mga madalas magkasala, o ang mga nahatulan sa iba’t ibang krimen, ang batas ay nagbibigay ng 8 o 10 taon para sila ay mag-aplay sa rehabilitasyon (pagpapanibagong-buhay), ngunit dipende pa rin sa mga naging kaso nito.
2) Hindi na dapat nasangkot ulit sa krimen
3) Dapat bayad sa parteng sibil ng kaso, o bayad sa mga pinsala na naging resulta ng naging kasalanan.Tanging sa pamamagitan ng mga patunay ng pangangailngang pinansyal ay maaaring mag-aplay para sa rehabilitasyon.
4) Dapat bayad sa mga gastosin bago pa man umpisahn ang paglilitis.
5) Hindi dapat na sumailalim sa security measures.
ANG APLIKASYON
Ang application ay maaaring direktang isumite ng nahatulan o ng abugadong kanyang pinagkakatiwalaan, sa Criminal Court lugar kung saan ginanap ang paglilitis.
Walang bayad o selyo, dahil ayon sa batas ang ganitong uri ng pamamaraan ay hindi dapat binabayaran.
Ang mga dokumentong dapat ilakip sa application ay ang mga sumusunod :
1) Residence Certificate;
2) Sertipiko ng sentensya na may petsa ng paglilitis;
3) Sertipiko ng sentensya sa kaso ng pagkabilanggo;
4) Sertipiko ng pagbabayad ng mga gastos sa hukuman;
5) katibayan ng kabayaran sa naging pinsala, o pahayag na walang kinalaman o reklamo ang napinsala.
Mahalagang ipakita sa mga application o sertipikasyon na may kaugnayan sa motibo ng pag-apply sa rehabilitation, halimba wa sa negosyo o para sa pagre renew ng permit to stay.
ANG PAMAMARAAN
Ang Korte ay magsisimula ng pagsusuri ng aplikasyon at magtatakda ng hearing makalipas ang ilang buwan at ipapaalam ito sa aplikante na dapat samahan o asistihan ng isang abugado.
Ang Korte ay magpapasya ng rehabilitation at, kung papasa ito, ay papawiin ang krimen sa talaan ng electronic archive.
Ang kanselasyon, matapos ipinagkaloob, ay maaaring pawalang-bisa kung ang migrante ay muling magkakasala sa batas sa loob ng pitong taon mula sa araw ng pagbibigay nito kung saan ang batas ay nagbibigay ng isang parusang hindi bababa sa dalawang taon.