in

Sunog sa Roma, pumatay sa apat na magkakapatid na nomads.

Sunog kagabi sa isang slum area sa Via Appia Antica, kapabayaan ng Institusyon.

Isang sunog kagabi bandang alas 20:30 ng gabi sa isang slum area sa Via Appia Nuova sa Roma, na malapit sa Golf Club. Apat na bangkay mula 3 hanggang 5 taong gulang ang halos abong natagpuan sa loob ng isang cabin.

Ayon sa pangulo ng partidong Verdi Angelo Bonelli – ‘Isang nakakakilabot na trahedya ang pagkamatay ng apat na batang nomads. Patuloy ang aking pagtatanong kung maaaring bang mangyari sa isang sibilisadong bansa ang tulad nito. Hindi madaling matanggap ang resulta ng aksidente. Masyadong maraming batang nomads na ang namatay dahil sa pagiging iresponsabile ng mga matatanda at ang kawalang pagkilos ng mga institusyon’.

‘Ang isang lungsod tulad ng Roma ay hindi maaaring tanggapin ang trahedyang tulad nito. Sisigaw ako sa pamahalaan, ako ay hihingi ng espesyal na kapangyarihan na ibibigay sa Prefecture para sa mga emergencies tulad nito’. Para sa mayor ng Roma, Gianni Alemanno, ang pagkamatay ng apat na magkakapatid kagabi ay dahil na rin sa kabagalang humahadlang sa kanyang politika.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘BALITANG PINAS’ Salitang e-load, pati sa kuryente na rin!

Pacquiao, na-feature sa MTV Cribs!