in

Anu-ano ang ibang uri ng kontrato?

 

RENTAL AGREEMENT with AGREED AMOUNT

Upang matugunan ang mga partikular na pangangailangan ng supply at demand sa mga municipalities na may mataas na populasyon ay posible ang tinatawag na ‘kontratang napagkasunduan’ (concordati). Ang  uring ito ng kontrata ay napasasaad ng kaluwagan sa pagbabayad ng buwis at ang upa ay mas mababa kumpara  sa halaga sa merkado na ang minimum at maximum amount ay naaayon sa partikular na kasunduan sa pagitan ng mga organisasyon ng may-ari at ng mga nangungupahan (o mga asosasyon ng mga unibersidad at mga mag-aaral).

Ang kontratang napagkasunduan ay may tatlong uri:

Kontrata 3+2;

Pansamantalang kontrata;

Kontrata para sa mga mag-aaral.

Ang tatlong uri ng mga kontrata ay maaaring baguhin sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga nararapat na forms na isasama sa kopya ng dekreto ng Ministry at ng munisipyo kung saan hindi isinagawa ang kasunduan at maaaring sumangguni sa kasunduan sa kontarata sa munisipyo kung saan may parehong populasyon.

Maaari rin namang magpatulong sa pamamagitan ng mga asosasyon para sa proteksyon ng mga nangungupahan at mga may-ari na matatagpuan sa buong bansa.

RENTAL AGREEMENT 3 + 2 (I CONTRATTI DI LOCAZIONE 3+2)

Ang kontrata 3 + 2, na tinatawag  na canone concordato o calmierato, ay naiiba sa mga normal na rental contract  dahil sa kanyang duration na mas mababa kaysa na ibinibigay na no amount o open rental agreement (4 +4).

Ang kontrata sa katunayan ay magtatagal ng tatlong taon at ito ay renewable para sa isa pang dalawang taon lamang.

Mayroon itong insentibo sa buwis para sa mga may-ari para sa pagpaparehistro ng kontarta (mayroong bawas ng 30%), sa income tax return (dichiarazione dei redditi) at sa municipal tax of properties sa (ICI).

Ang nangungupahan ay may bentahe na magbayad ng isang mas mababang fee, at mayroon ding mga reduction sa buwis kung ang ang kita ay mababa ng halos  € 31,000.00 at kung ang bahay na pinaninirahan ay ang pangunahing tirahan.

Ang mga alituntunin na namamahala sa paggamit ng ari-arian at ang singil para sa ganitong uri ng upa ay tulad ng no amount rental agreement.

Ang may-ari ay may karapatan na kanselahin ang kontrata dahil sa personal at  pamilya o sa pagre repair o pagbebenta ng ari-arian sa anumang oras sa pamamagitan ng registered mail sa nangungupahan, pero kung sa loob ng 12 buwan na ang inuupahan ay hindi gagamitin sa dahilang isinaad sa registered mail, ang nangungupahan ay may karapatan sa upahang muli ang tahanan at makakuha ng 36 na buwang kompensasyon.

Sa halip, matapos ang dalawang-taon na extension,ang may-ari ay maaaring magpadala ng abiso sa pamamagitan ng registered mail with return card, 6 na buwan bago sumapit ang deadline ng kontrata.

Sa kawalan ng abiso, ang kontrata ay awtomatikong mare-renew sa ilalim ng parehong kundisyon. Ang nangungupahan ay maaaring putilin ang kontrata dahil sa mga balidong dahilan sa anumang oras sa pamamagitan ng pagbibigay ng abiso ng 6 na buwan.

TEMPORARY CONTRACT (I CONTRATTI DI LOCAZIONE TRANSITORI)

Ang ganitong uri ng kontrata ay maaaring magtagal mula isang buwan hanggang labing walong buwan at dapat na palaging naaayon sa pansamantalang pangangailangan ng may-ari o nangungupahan. Sa kontrata ay dapat na nakasulat ang dahilan ng pagiging pansamantala ng kontrata at dapat na patunayan sa pamamagitan ng mga dokumento na dapat ay nakasama sa kontrata. Ang kontrata ay maaaring magsaad na ang deadline (hal. 5 months) ng kontrata ay maaaring hindi matapos. Kung sa kontrata ay walang nakasulat tulad nito at ang pangangailangan ay nasa nagmamay-ari, bago dumating ang deadline ng kontrata, ang may-ari  ay dapat kumpirmahin kung patuloy ang kanyang pangangailangan sa pamamagitan ng isang registered mail with return card. Kung hindi o kung ang pangangailangan sa kabilang banda ay hindi na magagap, ang kontrata ay nagiging isang normal na 4 + 4 .

Para sa mga ganitong kontrata ay hindi ibinibigay ang reduction sa buwis.

RENTAL CONTRACT PARA SA MGA MAG-AARAL (I CONTRATTI DI LOCAZIONE AGLI GLI STUDENTI)

Rental contract para sa mga mag-aaral ay nakalaan lamang sa mga mag-aaral sa unibersidad sa isang munisipalidad na iba sa kanilang address. Ang haba ng kontrata mula anim na buwan hanggang tatlong taon (renewable sa expiration, maliban na lamang sa isang break contract).

Maaaring lagdaan ang kontrata ng indibidwal o ng grupo ng mga mag-aaral o ng kumpanya para sa karapatan sa edukasyon.

Ang bayad ay naaayon sa teritorial agreement sa pagitan ng mga unyon ng manggagawa, mga unibersidad at organisasyon ng mga mag-aaral.

Kung ang kontrata ay napagkasunduan ng malayo sa isa’t isa ang may-ari at mangungupahan (sa pamamagitan ng telepono, internet, atbp.) ay maaaring ipataw ang karapatan ng pag-atras ayon sa Code ng consumers o withdrawal para sa muling pagsasaalang-alang sa loob ng 10 araw ng trabaho na itinakda at inirerekomenda sa pamamagitan ng isang registered mail with return card.

Para sa mga kontratang tulad nito ay ibinibigay ang kaluwagan sa buwis sa mga may-ari. Ang pagbabawas ng 30% sa registration ng buwis at ng pagbawas sa mga bayarin sa income tax return (dichiarazione dei redditi).

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

COMUNITA’ FILIPPINA DI NAPOLI, NAKILAHOK SA 33° GIORNATA NAZIONALE PER LA VITA

Init ng DIRECT HIRE, umabot sa isang milyon ang mambabasa ng Stranieri sa Italya!