Isang boom para sa Stranieriinitalia.it at sa mga website sa iba’t ibang linguahe nito. Luciano: “Napakalaki ng pangangailangan sa impormasyon, kaya’t patuloy naming pinagbubuti ang paglilingkod sa inyo sa pamamagitan ng akoaypilipino.eu. Mahahalagang impormasyon at maiinit na balita araw araw sa wikang tagalog!
Roma – Boom ng mambabasa para sa editorial ng Stranieri in Italia: noong Enero sa Stranieriinitalia.it at ang labing isang site sa iba’t ibang language na dedikado sa maraming mga komunidad ay umabot ng 987,000 ang mga naging bisita at mambabasa ng nasabing website.‘Isang nakakamanghang resulta, dulot na rin ng direct hire 2010’ ayon sa ‘managing director’ na si Gianluca Luciano.
Ang unang dagsa ng mga mambabasa ay naitatala noong Disyembre, matapos ibalita na ang pamahalaan ay muling magpapapasok ng halos isang daang libong mga dayuhang manggagawa. Simula noon, ay libu-libong mga mambabasa ang araw-araw na naghahanap ng mga pinakabagong balita, mga gabay at mga pagpapaliwanag sa paghahanda sa unang arawng clikck day. Sa online forums, ay mayroon ding humingi ng mga paglilinaw mula sa mga eksperto sa pamamagitan ng isang serbisyong libreng “tulong para sa lahat”, at naging daan ito upang magkaroon ng palitan ng karanasan at mga opinyon ng iba pang mga mambabasa.
‘Sa Stranieriinitalia.it, sa unang pagkakataon, sa pamamagitan ng mga website sa iba’t ibang linguahe, ang mga imigrante ay nagkaroon ng pakikipag-ugnayang libre, simple at direkta sa lahat ng mga bagay bagay na sumasaklaw sa direct hire. Ang malaking bilang ng mga mambabasa ay nagpapakita na may malaking pangangailangan sa impormasyon, lalo na sa mga isyu na nakakaapekto ng direkta sa kanila’ ayon pa sa administrator ng Stranieri in italia.
Para naman sa mga nahihirapan sa pagkonekta sa internet, mayroong mga newspaper ang stranieri in Italia. ‘Pahayagan sa labintatlong wika na taon ng naglilingkod sa madla na tila nalimutan na ng media. May higit sa kalahating milyon ang mga mambabasa sa isang buwan, kadalasan ay ibang mga taga subaybay sa mga sumusubaybay ng website.‘Ito ay isang puwersa na nagbibigay-daan sa amin upang makipag-ugnayan sa napakaraming tao hangga’t maaari’, pagtatapos ni Gianluca Luciano.