20,000 subordinate jobs mula sa mga bansang may kasunduan sa Italya, hahatiin sa lahat ng probinsya. Ang matitirang numero ay hahatiin naman sa kalahatian ng Pebrero.
Roma – 2 Peb 2011 – Ang mga’Sportello Unico’ for Immigration ay maaaring simulan ang pagbeberipika sa mga aplikasyon ng bagong direct hire dahil handa na ang unang bilang ng pagbabaha-bahagi nito sa buong Italya.
Kahapon, makalipas ang ilang araw ng unang click day, ang Ministry of Labour ay hinati ang halos 20,000 subordinate jobs sa iba’t ibang lalawigan ng bansa mula sa mga bansang may kasunduan sa Italya (Albania, Algeria, Bangladesh, Egypt, Pilipinas, Ghana , Morocco, Moldova, Nigeria, Pakistan, Senegal, Somalia, Sri Lanka, Tunisia, Indya, Peru, Ukraine, Niger, Gambia). Ang paghahati ng bilang ay naayon sa pangangailangan inilahad ng mga probinsya.
Ang Ministry of Labor ay hahatiin muli ang 30,000 bilang sa kalagitnaan ng Pebrero. Sa pangalawang bahagi ay gagawing basehan ang konsultasyon ng mga lokal na awtoridad, asosasyon ng mga employer at ng mga unyon.
Narito ang bilang bawat probinsya, ayon sa Ministry of labour.
http://www.stranieriinitalia.it/a/quoteflussi2feb.png