in

Mga katanungan? Sagot mula sa Linea Amica Immigrazione

Mula sa public adiministration, libreng impormasyon at karagdagang tulong para sa mga dayuhan sa Italya at sa kanilang mga employers. Sa telepono 803.001 o 06828881 at sa website.

Roma, 24 Jan 2011 – Ang mga migrante ay kabilang sa mga tumatangkilik sa public administration, at dahil sa burukrasya na pwersahang nagtatapon sa kanila sa iba’t ibang tanggapan mula sa unang araw ng pagdating sa Italya: sa paghingi ng permit to stay, pag-aaply sa serbisyong pangkalusugan, conversion ng driver’s license at iba pang mga hakbang sa bansang ito.

Sa iba’t ibang mga prosesong ito, nadadagdagan ang mga katanungan: “Ano ang nangyari sa aking request para sa regularisasyon?”, “Paano mag renew ng permit to stay?”, “Kailan pwedeng mag-apply ng citizenship?”, “Kanino ipapa-alam ang pagpalit ng trabaho o ng employer?”. Para sa mga kasagutan, narito ang Linea Amica Immigrazione, ang call center ng Public Administration, para sa mga dayuhang mamamayan sa Italya at sa mga Italyano na may kaugnayan sa mga migrante bilang employer.  

Mula sa landline, maaaring tawagan ng libre ang numero 803.001, mula sa mga mobile phone naman 06828881, ang bayad ay tulad ng isang lokal na tawag, o maaaring i-fill up ang isang form sa website www.lineaamica.gov.it/contattaci.  Ang serbisyo ay libre, may apat na iba’t ibang wika (Italyano, Ingles, Pranses at Espanyol) at bukas mula Lunes hanggang Biyernes 9.00-18.00. Sa ibang oras at tuwing Sabado at Linggo, ay maaaring mag-iwan ng voice message para sa isang return call.

Bawat operator ay dumaan sa pagsasanay ukol sa mga tema ng migrasyon, ngunit maaaring ang mga tanong at sagot ay kumplikado. Halimbawa, sapat na ang isang minuto para malaman kung saan hinihingi ang fiscal code o codice fiscale, ngunit upang malaman kung bakit isang taon nang hindi lumalabas ang aplikasyon, ang Linea Amica ay maaaring makipag-ugnayan sa mga tanggapan na nakakasakop dito at alamin ang dahilan ng mahabang paghihintay.

Ang serbisyo ay nahahati ng dalawang bahagi: ito ay maaaring sumagot agad, na kalimitang nangyayari, o kaya’y inaalam ang problema at ipinaa-abot sa mas nakakataas upang tugunan ang katanungan na karaniwan ay sa loob lamang ng ilang mga araw.

Subukan upang paniwalaan! Libre ito, tumawag lamang!

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SINULOG FESTIVAL SA ROMA, SELEBRASYONG PUNONG-PUNO NG SORPRESA

Ganito ang Italian language exam para sa carta di soggiorno!