Ang Italya ay pang huli sa mga bansa ng OCSE sa bilang ng mga banyagang mag-aaral sa unibersidad.
Kung ang European average ay 10%, na may 17.9% sa United Kingdom, 11, 4% sa Alemanya,
11, 2% sa France, sa Italya ang rate ay lamang ng 3.1%.
Ito ang mga detalye na iniharap kahapon sa pagpupulong para sa pagtatanghal ng Migrantes Foundation ng Migration World Day, na gaganapin sa Enero 16 sa Geneve.
Nagsalita sa pagtatanghal ang Director General ng asosasyon, si Monsignor Giancarlo Perego, na hinarap ang tema ng kakulangan ng pulitika ng Italya para mamuhunan para sa integrasyon.
Bukod sa problema ng pagkuha ng citizenship, ng mga bigong aplikasyon para sa right of asylum dahil sa rejections, hinarap din ni Monsenyor Perez ang isyu ng kakulangan ng kakayahan upang maakit ang mga dayuhang mag-aaral na naglagay sa Italya sa huling ranggo ng OCSE.
Kabilang sa mga pangunahing sanhi ng kawalan ng dayuhang estudyante sa mga unibersidad ay ang kakulangan ng mga kurso sa Ingles, ang kakulangan ng mga residences (tanging 2% lamang ng mga mag-aaral ang nasa resedence, kung ihahambing Sweden na may 17% sa, 10% sa Alemanya at 7% sa France) at ang iilan lamang na mga scholarship.
Ang 54,507 dayuhang estudyante na nakatala sa unibersidad sa taong 2008-2009, ay kumakatawan sa isang paglago kumpara noong nakaraang taon, tumaas ng 5.6%, na nananatiling mas mababa pa
rin kaysa sa European average.
Ayon sa Migrates foundation, dapat na pagtuunan ng pansin ang mahalagang paksa ng isang bagong immigration ng mga kabataang mag-aaral.