in

FAKE NA RECRUITMENT, NATUKLAS!

Ang “Pinoy Club” ay nagbibigay diumano ng pekeng permit to stay sa libu libong ng mga iligal na dayuhan. Natuklasan matapos ang isang away.

Milan- Tinaguriang “Pinoy Club” ang isang non-profit international organization, ang nangahas na nangako ng trabaho sa pagbibigay diumano ng isang pekeng employer at pagkatapos naman ay ang pekeng permit to stay. Ang asosasyon ay nagpanggap bilang sektor na tumutulong sa mga walang dokumento at ang kanilang iligal na ‘amnesty’ para sa mga colf, caregivers at baby sitters ay nagpatuloy sa paglinlang hindi lamang sa libu libong Filipino kundi pati na rin ang ibang lahing naghahangad ng trabaho at permit to stay.
Anim na tao ang tinugis (ang isa ay nasa bilangguan na) at naaresto ng mga pulis sa Milan, kung saan matatagpuan ang  head office ng ‘Pinoy Club’, na may maraming tanggapan sa buong bansa. Kabilang sa mga naaresto ay ang presidente ng mga asosasyon, Giuliano Adriani, 51 anyos at ang 31 taong gulang na Lebanese secretary (na naka house arrest). Kasama din sina Massimiliano De Angelis, 41 ang accountant, Joseph Gambardella 44, Luciano Maccapani 61, at dalawang mga Egipcio.

Ang mga pulis ay dumating at natuklasan ang pekeng regularisasyon sa pamamagitan ng isang away sa pagitan ng mga Egipcio, na nangyari dahil sa reklamo sa bigong mga pangako pagkatapos bayaran diumano ang serbisyo para makakuha ng permit to stay. Natuklasan ang nasabing panloloko sa pamamgitan ng 80 Egipcio na pinaghihinlaan sa pagkakaroon ng pekeng mga dokumento. Sa pag iimbistiga, naabutan ang pag aaway ng mga Egipcio ukol sa bayaran ng 7,000 euros para sa permit to stay. Pinasok at kinumpiska ng mga pulis ang mga dokumento at sa pag iimbestiga ay natuklasan ang iligal na gawain ng asosasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

5425,00 HALAGANG KAILANGAN PARA MANATILI NG ITALYA

ITALYA, NAIWAN NG MGA BANSA NG OCSE.