Sa taong ito bawat pamilya ay gagastos ng higit sa isang libong euro kumpara noong nakaraan taon. Ayon ito sa mga asosasyon ng mamimili Adusbef at Federconsumatori, na nagbabala laban sa pagtaas sa presyo ng mga produkto at serbisyo.
Ang pinakamalaking pagtaas ay ang sa pagkain, na tataas ng 267 € bawat pamilya. Susunod ang gasolina na inaasahang tataas ng 131 €, ang train ticket ng 122 €, at car insurance ng 105 €.
Hindi magiging epektibo ang ‘guarantor ng presyo’, na itinatag ng pamahalaan tatlong taon na ang nakalipas, upang subaybayan at mag ulat, ngunit hindi upang magparusa sa mga taong nagtataas ng presyo ng walang dahilan. Ayon sa mga asosasyon, ang karamihan sa mga ito ay pananamantala at hindi dulot ng pagtaas ng halaga ng prime materials.
Ang mga Italians sa ganitong kaso ay tinatawag itong isang literal na suntok sa mga pamilya na nakikipagsapalaran gawa ng krisis sa ekonimiya.