TATLUMPUNG LIBONG MGA COLF, CAREGIVERS AT BABYSITTERS. MAGHANDA NA SA CLICK DAY
Pagkatapos ng dalawang taong pagpigil, muling pinapahintulutang pumasok ng bansa ang halos 100,000 mga manggagawa. Ang teksto ay nilagdaan noong nakaraang Nobyembre 30 ni Silvio Berlusconi at ito ay bibigyang bisa matapos ang publikasyon sa Gazetta Ufficiale.
Halos limampung libong bilang ang nakalaan sa mga trabahador sa lahat ng sektor ng mga bansang may kasunduan sa Italya (Albania, Algeria, Bangladesh, Egypt, Pilipinas, Ghana, Morocco, Moldova, Nigeria, Pakistan, Senegal, Somalia, Sri Lanka , Tunisia, Indya, Peru, Ukraine, Niger, Gambia). Tatlumpung libo naman ang nakalaan para sa mga domestic helpers, caregivers at babysitters ng iba pang nasyonalidad.
Ang dekreto ay nagbibigay din ng pagkakataon sa apat na libong manggagawa na sumailalim sa mga programa ng pagsasanay sa sariling bansa, at limang daan bilang naman para sa Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil. Bilang pagtatapos ng listahan, may 11,000 na conversion din ng permit to stay sa pag aaral, internships, seasonal at permit to stay CE (na inissue sa ibang bansa Ue) sa permit to stay para sa trabaho at limang daang permit to stay CE (na inissue sa ibang bansa Ue) sa permit to stay para sa self employed.
Muli, ang mga employer ay maaaring magsumite ng mga application sa pamamagitan ng Internet at ang mga nulla osta ay ibabatay sa order ng pagsu submit ng nasabing application na naaayon sa availability ng mga bilang na nabanggit. May tatlong ‘click day’, marahil sa Pebrero, at muli, ang pinakamabilis ay ang pinakamasuwerte, at ito ang mag e exclude sa karamihan ng mga negosyante at mga pamilya na magsusumite ng aplikasyon.
Ang pamahalaan ay hindi kailanman aaminin na ito ay isang maliit at di sapat na kasagutan sa maraming humihingi ng isang regularisasyon. Sa kabila ng mga paghihirap, ang narito na walang permit to stay na magus submit ng aplikasyon para sa direct hiring ay maaaring bumalik ng sariling bansa at pumasok muli ng Italya ng may balidong visa entry.