in

Umabot na sa 243 ang kasalukuyang requests for Italian language exam

Milan, Rome at Bolzano ang tatlong pangunahing lalawigang may mataas na request

Mula kahapon, ang mga dayuhang naninirahan ng Italya na mag aaply ng permesso di soggiorno CE ay kailangang sumailalim sa Italian language exam at dapat na magfill up on line ng isang hiwalay na request sa www.testitaliano.interno.it. Umabot na sa 243 ang mga requests na natanggap hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa Ministry of Interior , ang mga nag request  ng exam ay mga Albanians (31), Moroccans (26), Ukrainians (25) at Moldovans (15). Samantala, Milan (20%), Roma (13%) at Bolzano (33% ) naman ang tatlong mga lalawigang may pinakamalaking bilang na requests. Ang mga aplikante, sa loob ng animnapung araw ng pagsusumite ng aplikasyon, ay tatawagin ng Prefecture na syang magbibigay ng petsa ng nasabing exam.

Kinakailangan  ang limang taong regular na paninirahan sa bansa at hindi bababa sa 14 na taon ang sinumang mag rerequest for schedule ng  exam. Ang pagsubok ay naaayon sa comprehensyon ng mga maikling teksto  at mga expression na madalas na ginagamit. Nararapat na ipasa ng 80% ang nasabing exam. Kung ang resulta ay positibo, maaaring i present ang aplikasyon ng carta di soggirno at beberipikahin ang lahat ng iba pang mga requirement. Sa kasong  negatibo ang resulta, maaaring ulitin ang exam ngunit kinakailangn ang muling pagre request  nito.

Hindi kinakailangang  sumailalim sa pagsubok ang mga may sertipikasyon sa wikang Italyano o ang mga may diploma ng mataas na paaralan at kahit pa mga mag aaral ng unibersidad o ang mga nado doctorate.  Gayun din ang sinumang dumating sa Italya bilang isang executive, professor o researcher,  translator o interpreter at ang mga may malubhang  limitasyon sa pag-aaral ay exempted sa nasabing exam.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAGBUBUNYAG NG WIKILEAKS

64% ng mga migrante umuupa ng bahay