in

PAGBUBUNYAG NG WIKILEAKS

Hindi nakaligtas ang Italya sa Wikileaks, isang organisasyon na naglilikom at nagbubunyag ng mga lihim na dokumento ng pamahalaan at ng malalaking mga korporasyon. Noong katapusan ng Nobyembre, ang Wikileaks ay nag-publish ng higit sa 250,000 na palitan ng mga messages sa pagitan ng pamahalaan ng Amerikano at ng mga embahada nito.

Kadalasan ang mga messages ay hindi naaayon sa mga opisyal na mga pangyayari kundi ito ay naglalaman ng mga instructions ng iba’t ibang operations at pagsusuri sa sitwasyon ng pulitika at ng mga pinuno ng maraming bansa sa buong mundo.

Sa mga palitan sa pagitan ng Roma at Washington nilalarawan ang Prime Minister Silvio Berlusconi bilang madaling malulong sa bisyo at mga scandalo, ngunit ang mga Amerikano ay tila nag aalala sa malapit na ugnayan ng kanilang presidente at ng Russian President Vladimir Putin sa kanyang publiko at pribadong negosyo, na nauugnay sa pag susupply ng gas sa Europa. Binalewala ni Berlusconi ang kahalagahan ng mga mensahe at ang Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton ay mabilis namang nilinaw ang mga ito sa publiko.

Sa kabila ng lahat, ang paglalathala ng bagong lihim na mga messages ay magpapatuloy pa rin ng ilang buwan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Deadline of payment, malapit na!!!

Umabot na sa 243 ang kasalukuyang requests for Italian language exam