in

Pagpili ng kandidato bilang Mayor sa Milan, sa linggo na

Pati mga migrante ay maaaring pumili ng kandidato bilang Mayor ng centrosinistra (centre-left coalition). Ang mga nominado ay sina Valerio Onida, Michele Sacerdoti, Giuliano Pisapia at Stefano Boeri.
Sa Linggo ika 14 ng Nobyembre, ay pwedeng pumili ng kandidato mula alas 8 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi sa mga bukas na voting polls. Mahalagang dala ang ‘carta d’identita’ kung saan nakasaad na sila ay mga residents ng Milan. Ang mga migrante naman ay permit to stay o ang ‘cedolino’ na katibayan ng renewal ang kailangang dalhin.
Para maka boto ay kinakailangang pirmahan ang palatuntunin ng coalition at magbigay ng maliit na kontribusyon ng 2 euros. Upang malaman naman kung saan dapat bumoto, isulat o ilagay ang home address sa web site na nakalaan para sa primary election at ang naka assign na voting poll ay ibibigay ng nasabing web site.
 ‘Kami ay naghahangad na bigyan ng pagkakataon ang mga migrante na bumoto sa local elections, at dahil dito ay dapat natin silang tawagin sa primary election. Sila ay kabilang sa pagpili ng magiging Mayor na magkakaroon ng responsibilidad sa mga problema di lamang ng mga Italyano kundi pati na rin ng mga residenteng migrante dito’ ayon kay Nora Radice, isang miyembro ng executive committee ng nabanggit na eleksyon.
Hindi ito ang unang pagkakataon ng pagboto ng mga migrante, pati na rin sa pagpili ng kandidato para sa prime minister ay nakasama sila. Noong 2005 ay binuksan para sa mga migrante ang primary election at napili nga si Prodi, ang kandidato prime minister ng ‘Unione’, noong 2007 naman ay pinili nila si Veltroni bilang party leader ng Partito Democratico at noong nakaraang taon ay ang pagpili nila kay Pierluigi Bersani

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dukot, mapapanood na!

Mga Pinoy, Sali na!!!