Sa muling pagbabalik ng mga estudayante sa school year 2010/2011, bawat rehiyon naghahanda ay naghahanda para sa pagbabalik ng mga estudyante.
Sa buong Italya ay muling bubuksan ang mga eskwelahan sa Setyembre 2010 subalit may iba’t ibang petsa ng pasukan. Ang petsa ng umpisa ng klase, Christmas vacation at Easter vacation at iba pang holidays ay pinili ng bawat rehiyon sa bansa. Kaya’t aming inihahandog sa inyo ang listahan sa taong ito upang maging gabay ninyo para sa inyong mga anak.
Ang mga paaralan ay sarado sa November 1, piyesta ng mga Santo; December 8 – Immaculate Conception; April 25 – Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan; May 1 – Araw ng mga Manggagawa (Linggo); June 2 – National Holiday of the Republic; at mga araw ng Santo sa bawat Munisipyo.