Con artist Tatie Arellano, pinaghihanalaang nasa Roma
Isang pabatid ang natanggap mula pa sa Embahada ng Pilipinas sa Roma tungkol sa isa diumano’y iligal rekruter na umeskapo sa Pilipinas. Libo-libong Swiss francs ang na-swindle ng con artist na kinilalang Ernesto « Tatie » Arellano sa pamamagitang ng « Pearl of the Orient » money remittance agency. Ang mga pangunahing biktima ni « Tatie » ay pawang kapwa Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan sa Geneva. Ayon sa balita, simula noong nakaraang taon, ang pamalita ng Pearl of the Orient ay mas mataas ang kanilang exchange rates upang makuha ang tiwala ng mga Pinoy na magpadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay
Napag-alaman na isang Pinay ang nagpadala ng 10,000 CHF sa ahensyang Pearl of the Orient noong nakaraang taon upang gamitin sa pagpapagawa ng kaniyang bahay sa Visayas. Natuklasan na lamang ng biktima na ang kaniyang pera ay hindi nakarating sa kanyang mga mahal sa buhay.
Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan, ayon sa mga ulat na natanggap, isa pang domestic helper ay nagpadala ng 4,000 CHK para sa pagpapalibing ng kaniyang asawa na namatay sa heart attack. Isa pang Filipina mula Ilocos ay nagpadala ng 10,000 CHK noong nakaraang Pasko para naman sa pagpapaospital ng kaniyang ina na hanggang sa kasalukuyan, walang natatanggap kahit isang sentimo ang kaniyang pamilya. Nangangahulugan lamang na ang libo-libong Swiss Francs na nakulembat ni Tatie ay nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.
Mahusay diumano si Tatie Arellano sa kaniyang “sweet talks”. Nag-organisa ng mga “Business seminars” at nag-imbita ng mga participants mula Ville de Geneve at “academic community” upang magmukhang “credible”. Ang mga seminaryo ay au inorganisa ng “Geneva for Humanity – isang pekeng NGO – na siyang ginamit upang mag-imbita ng mga participants. Dalawa diumanong Pinay ang nagreport na sila’y inalok na dalhin ang kanilang mga anak sa Geneva sa halagang 1,500 US dollars bilang “pariticipants fee”
Ayon pa sa mga balita, nagbigay ang labing-dalawang miyembro ng Tingog Choir na naka-base sa Iloilo ng 3,180.00 dollars bilang paunang bayad para sa “travel insurance”. Ito raw ay kinakailangan bago sila mabigyan ng bisa sa mga bansa sa Europa. Matapos nilang makabayad nitong “travel insurance”, ay bigla na lang naglaho na parang bula itong si Tatie Arellano.
Ayon sa sworn affidavit ni Gerardo Muyuela, lider ng naturang choir, sila raw ay niloko at nilinlang sa paniwalang magbabiyahe sila sa Europa at kakanta sa mga inorganisa ni Arellano na mga konsyerto sa Switzerland, Germany at Italy.
“Nag-rehearse kami ng puspusan. Halos isang taon at gabi-gabi namin ininsayo ang mga piyesang pinapa-awit sa amin ni Arellano. Nagkanda-utang-utang kaming lahat para lamang mabayaran ang travel insurance, yun pala ay lolokohin lang kami at tatakbuhan. Hanggang ngayon pa nga di pa namin nababayaran ang inutang namin.”
Isa pa rin sa biktima ni Tatie Arellano ay si Rudy John Dapilo. Si Rudy ay pumasok bilang estudyante sa « Institute of Development and Strategic Studies », isang pekeng eskwelahan sa Iloilo na kung saan si Tatie ay ang may-ari at Dean. Siya ay hinimok na kumuha ng 6-month’s course on « Caregiving » at pinangakuan na mabibigyan ng trabaho sa abroad pagkatapos ng kurso.
Pagkatapos ng kanyang kurso, naka-hanap sila ng agency kung saan may screening ng mga aplikante at interbyew. Matapos ang lahat ay kami ay sinabihang maghanda ng placement fee. Pagkaraan ng ilang lingo, ibinigay niya kay Tatie Arellano ang halagang 2,800 US dollars. Simula noon ay din a niya nakita kahit anino ni Tatie Arellano. Ayon kay Dapilo, 3 rin raw sa mga kasama niyang mga estudyante ang na-biktima rin ni Tatie Arellano. Maliban pa dito, isang pianista ng Baptist church sa Iloilo ay pinangakuan din niya ng caregivers job sa Israel ngunit itinakbo rin ni Tatie ang pera.
Ang balita sa ngayon, si Tatie Arellano ay nagtatago. May nagsasabi na ang huli ay umuwi na ng Pilipinas at ang iba naman ay nagsasabing lumipat na si Roma si Arellano. Meron namang nagsasabi na nasa Geneva pa rin con artist. Ngunit, saan man naroroon si Ernesto Arellano Jr alias Tatie, pasasaan ba’t siya ay mahuhuli rin si Tatie sapagkat may hustisya na huhuli sa kaniya.
Ang panawagan ay magtulong-tulong tayo sa pagpigil sa pambibiktima ni Tatie sa mga hard working Filipinos. Dapat daw siyang magbayad sa batas at ikulong sa kulungan.