in

Mga employer tipid sa pagbabayad ng buwis kung regular ang colf at badante

Maaaring ibawas sa income ang kontribusyon sa insurance. Mas makakatipid kung ang isang badante ay nag-aalaga ng invalid.

Roma – Kalimitan, pangarap ng mga colf (household service worker) at badante (caregiver) ang contract of employment (contratto di lavoro) at contributi.

Karamihan sa mga employer ay walang alam na kung sila’y hindi nagbabayad ng insurance, maaari silang pagmultahin tulad ng isinasaad sa batas. Ang hindi nila alam, maaari nila itong ibawas sa buwis na kanilang babayaran.

Ang bentahe ng employer na nagbabayad ng contributi para sa kanilang colf at badante ay ang deduction sa taxable income na kung saan ay kinukwenta ang tax na babayaran, ang maximum na kabayaran sa inps ay 1549,37 euro para sa isang colf at badante. Ito’y pwedeng patunayan sa pamamagitan ng pinagbayarang bill na isinasagwa tuwing tatlong buwan.

Ang karagdagang savings ay nakatalaga kung ang badante ay nag-aalaga ng isang invalid, naninirahang mag-isa at pinatunayan ng doktor na hindi na niya kayang alagaan ang sarili, maglinis ng katawan, maglakad, magbihis o kinakailangan ang tuloy-tuloy na pagbabantay. Sa kasong ito, ang employer ay may karapatang makakuha ng discount sa tax na 19% na inasto para sa isang badante hanggang 2100 euro, ngunit ito ay kung ang income ng contributor ay hindi lalampas sa 40 libong euro.

Ang discount ay karapatan ng sinumang nagbabayad sa badante, taong invalid o kaniyang kamag-anak na sinusustetuhan. Sa pagdi-deklara ng income, kinakailangang magpakita ng resibo, pay slip o ibang dokumento na nagpapatunay sa pinagbayaran. (Liza Bueno Magsino)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Security Act – ilan sa mga atas ay hindi naisasakatuparan

Pagdeklara ng income tax