Roma – Nalalapit na ang pagpapatupad ng kasunduan sa integrasyon para sa lahat ng mga dayuhan sa Italya, ang dagdag na atas sa bagong batas sa seguridad na hanggang sa kasalukuyan ay hanggang papel pa lamang.
Ilang buwan na ang nakakaraan, ipinahayag ni Minister of Labor Maurizio Sacconi ang layuning ilunsad ang kasunduan sa intergrasyon: ito ay isang kasunduan na kung saan ang bawat mamamayang dayuhan ay pipirma upang manirahan sa bansa, dito ay may mga series of requirements at may nakatalagang points. Ang mga panuntunan ay may kaugnayan sa points na pwedeng maubos.
Sa batas sa seguridad (legge sulla sicurezza), na ipinatupad noong Agosto 2009, sinasabing ang kahulugan ng integrasyon ay ang “itaguyod ng maayos ang relasyon ng mga italyano at mga dayuhan bilang pagrespeto sa pinagtibay na mga atas sa Italian Constitution at pagtupad sa tunay na partisipasyon sa buhay pang-ekonomiya, pangsosyal ay kultura ng lipunan”.
Pinagtibay rin na ang bawat dayuhan kung mag-aaplay ng permesso di soggiorno (permit to stay) ay “lalagda” sa “kasunduan”, na may pagtitiwala, may pangakong susundin ang mga layunin ng integrasyon habang valid ang permesso di soggiorno”. Sa ganitong paraan ang mga dayuhan ay may makukuhang points samantala maaari naman maubos ang points kung hindi makakasunod sa kasunduan hanggang sa posibilidad na bawiin ng permesso di soggiorno at mawalan ito ng bisa.
Malinaw na ang sistemang ito ay nakabase sa criteria na kung saan ay papasok ang beripikasyon sa integrasyon. Subalit paano nga ba ang tamang pakikiisa sa buhay pang-ekonomiya, pangsosyal at pangkultura? Paano irerespeto ang kahalagahang konstitusyunal? Ito ay isa lamang universal judgement, paghihiwalay sa masama sa mabuti na nasa mga kamay nina Maurizio Sacconi at Roberto Maroni. (Liza Bueno Magsino)