Halos 300 applications for regularization ang natuklasang peke na isinagawa ng mga inarestong italyano at intsik.
Milan – July 16, 2010 – Inaresto ng mga police investigator sa Milan ang anim na italyano at isang intsik dahil umano sa pag-oorganisa ng isang tanggapan na kung saan ay isinasagawa ang kunwaring employment at tulungan umano ang illegal immigrants sa pagkakaroon ng permesso di soggiorno.
Ang mga dayuhang nakakuha ng pekeng permesso di soggiorno ay nagbayad sa nasabing organisasyon. Sinamantala ng grupo ang atas ng sanatoria para sa colf at badanti upang kumita ng malaking halaga at ito ang maituturing na paglabag sa batas dahil sa ang naging layunin nito ay pagsang-ayon sa illegal migration.
Nag-umpisa ang mga pulis sa pagsisiyasat noong summer 2009 at napatunayang ang grupo ay tumatanggap ng pekeng dokumento ng mga illegal migrants upang ipasok sa nakaraang regularization. Ang mga dayuhang ito ay pinagbayad ng halagang 5000 upang magkaroon ng permit to stay. Natuklasan na may halos 300 applications for regularization na pinigil naman ng Ministero upang gawing patunay sa imbestigasyon.
Ang mga identity card na ginamit sa regularization ay totoong mga dokumento na ang hinala ng mga investigators ay mga dokumentong nakuha sa mga phone shop na ginamit sa pagpapa-activate ng sim card.