in

May tanong ba kayo? Ang mga sagot mula sa Linea Amica Immigrazione

Mula sa Public Administration, impormasyon at libreng tulong sa mga dayuhang nasa Italya at mga employers. Sa telepono (803.001 o 06828881) at sa website

Roma – Ang mga dayuhan ang pangunahing kliyente ng public administration, bureaucracy ang nagtulak sa mga dayuhan upang paulit-ulit na bumalik at magpalipat-lipat sa mga tanggapang pampubliko mula sa unang araw ng kanilang pagdating sa Italya upang mag-request ng permesso di soggiorno, magpalista sa serbisyong pangkalusugan, magconvert ng driver’s license at sa bawat hakbang na kailangang isagawa sa bansang ito.  

Mula sa isang aplikasyon at iba pang request, ang mga kahilingan ay patuloy na nadadagdagan tulad ng: “Ano ang sitwasyon ang aking request for regularization?”, “Paano mag-renew ng permesso di soggiorno”, “Kailan ako pwedeng mag-apply ng italian citizenship”, “Kanino ko ipapaalam na nagpalit ako ng trabaho?”. Upang sagutin ang mga katanungang ito, inilunsad ang Linea Amica Immigrazione, isang contact center ng Public Administration para sa mamamayang dayuhan sa Italya at mga italyano na may kaugnayan sa mga dayuhan tulad ng mga employers.

Sa iyong landline, maaari kang tumawag ng libre sa numerong 803.001, kung sa cellphone naman ay 06828881 na ang halaga ay katumbas ng isang urban call, o kaya’y kumpilahan ang isang form na makikita sa www.lineaamica.gov.it/contattaci. Ang serbisyo ay walang bayad, may apat na wika (Italian, english, french at spanish) mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na 9:00 am hanggang 6:00 pm. Sa ibang oras at week-end, maaari kang mag-iwan ng mensahe sa answering machine at ikaw ay kanilang tatawagan.

Ang bawat operator ay may specific training tungkol sa tema ng migrasyon, siyempre may mga tanong at dagdag na tanong at ang mga kasagutan ay maaaring mas mabilis. Sapat na ang isang minute, halimbawa, upang malaman kung saan makakakuha ng codice fiscale, bakit ang isang pratica o application ay naka-hold ng isang taon, ang Linea Amica ay mapipilitang makipag-ugnayan sa mga tanggapang namamahala nito.

Ang serbsiyo ay may dalawang level: ang mga katanungan ay may agarang tugon, pagpapalalim sa problema at tatawagan ang kliyente sa loob ng dalawang araw. Wala itong bayad at sapat na ang isang tawag sa telepono. (Liza Bueno Magsino)  

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Conversion ng driver’s license

Carta di soggiorno, malapit ng ipatupad ang italian language test