3/05/2010 – Ang bawat contributor ay maaaring pumili kung saan nais niyang i-donate ang maliit na bahagi ng kaniyang tax. Narito ang paraan.
Roma – Magpatulong sa centro di assistenza fiscale o sa isang commercialista at habang kayo ay nagdideklara ng inyong income, maaari kayong tanungin kung saan niyo nais ibigay ang otto e il cinque per mille. Makakatulong ang pinakamaliit na bahagi ng inyong income sa tuwing kayo ay magdideklara bawat taon.
Ang otto per mille ay maaaring mapunta sa isa sa mga simbahan na kung saan ang gobyernong Italya ay pinirmahang kasunduan, ito’y makikita sa form (Chiesa Cattolica, Unione Chiese Cristiane avventiste del 7° giorno, Assemblee di Dio in Italia, Chiesa Valdese unione delle chiese metodiste e valdesi, Chiesa evangelica Luterana in Italia, Unione delle Comunità Ebraiche Italiane), o kaya’y para sa Estado. Sa huli, gagamitin ang maliit na donasyon para sa mga interventions laban sa gutom, natural calamity, assistance sa mga refugees at pangangalaga sa cultural heritage.
Sa pagpili kailangan lamang pumirma sa tapat ng beneficiario. Kung hindi pipirma at walang napili, mapupunta ang otto per mille sa lahat na benefeciaries. Kung ang Simbahang Katoliko ay nakakolekta ng 70% mula sa contributor na walang pinili, tatanggap ito ng 70% mula sa 8 per mille.
Da qualche anno, i contribuenti possono indicare una destinazione particolare anche per un’ulteriore quota delle loro tasse, il cinque per mille. Le scelte sono tra: volontariato e altre associazioni impegnate nel sociale, ricerca scientifica e università, ricerca sanitaria, attività sociali svolte dal Comune di residenza e associazioni sportive dilettantistiche.
Ilang taon na ang nakakaraan, ang contributor ay pwedeng magsabi ng particular destination kahit iyong iba pang quota sa iba mula sa kanilang tax, at ito ay tinatawag na cinque per mille. Ang pwedeng pagpilian ay volunteers, ibang asosasyon na nagsasagawa ng social assistance, scientific research at universities, health research, social activities na isinasagawa ng Comune at mga asosasyon ng mga manlalaro at artista.
Upang malaman ang listahan ng mga benefeciaries sa cinque per mille, mas nanaisin marhail ninyong ibigay ay maliit na bahagi ng inyong income sa mga asosasyon ng mga dayuhan o sa mga aktibong tumutulong sa sektor ng migrasyon…
Ang mga dokumento ay nagbabago depende sa sektor ng gawain. Para sa iba pang detalye at kaalaman, ang asosasyon ng mga volunteers at sports, maaaring makipag-ugnayan sa all’Agenzia delle Entrate (info su www.agenziaentrate.it), sa mga tanggapan ng ricerca scientifica e università al ministero dell’istruzione (www.miur.it), at ricerca sanitaria al ministero della Salute (www.salute.gov.it).
in Italya
Pagdeklara ng income, 8 at 5 per 1000
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]