in

1,500 OFWs, ligtas sa tulong ng mga employers!

Tinatayang 1,500 overseas Filipino workers (OFWs) ang ligtas na nakalabas ng Libya kahapon at naghihintay na lamang na mailipad pabalik ng bansa.

Inamin ng Department of Labor and Employment (DoLE) na mas malaki ang ginagawang efforts ng mga employers para mailikas sa Libya at sa mga bansang nahaharap ngayon sa political tensions ang kanilang mga manggagawang Filipino.

Sa harap ng maraming batikos na inaani ng gobyerno sa umano’y kabagalan ng aksyon para mailikas ang mga kababayan, sinabi ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na mas maraming mga Pinoy ang umaasa ngayon sa kanilang mga amo para makalabas ng Libya at makauwi ng bansa. Eksaktong 1,491 OFWs mula sa Benghazi, pangalawa sa pinakamalaking siyudad sa Libya na nasa kontrol na ngayon ng anti-government forces, ang nasa ligtas na teritoryo ngayon ng mga katabing bansa. Ang 1,491 OFWs, sa tulong ng mga employers nito, ay nagkanya-kanya nang daan palabas ng Libya kung saan 14 sa mga ito ay dumiretso sa Tunisia, 60 sa Turkey, 1,154 sa Egypt at dalawa sa Madrid.

Ang 14 OFWs na dumaan sa Tunisia ay mga empleyado ng Korea Hanil Engineering & Construction at bahagi ng 50 OFWs na ligtas na nakaeskapo ng Libya. Ang unang 36 sa mga ito ay nakatakdang dumating ng bansa sa Marso 2 lulan ng Qatar Airways, galing Doha, Qatar.

Nakahanda umano ang gobyerno na tulungan ang mga kababayan na hindi kayang ilikas ng kanilang mga amo.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

NEW ZEALAND, nagpapasaklolo na sa PILIPINAS!

PINAY PRODUCER, nanalo sa 83rd Oscar Awards sa Hollywood.