Ang basketball ay isa sa mga kinagigiliwan larong pampalakasan ng mga Pilipino, kahit bata o matanda, kundi man naglalaro masaya nila itong pinanonood lalo na kung isa sa mga malalaro ay kamaganak.
Kulang man tayo sa tangkad bumabawi naman sa bilis at galing sa pag shoot ng bola. Kaya kilala ang mga manlalarong Pilipino sa Asia dahil sa mga naiuwing tagumpay at kampeonato sa larangan ng larong basketball. Hangarin ng pamunuan ng EFFG na maging aktibo, responsible at malayo sa mga ipinagbabawal na gamot ang mga kabataan dito sa Toscana.
Kaya sa opening ng EFFG Fourth Season Basketball Tournament ay dumagsa ang mga teams (12) na lumahok. Ang paliga ay ginanap noong Septembre 20, 2009 sa Palazzeto Dello Sport Paolo Valenti, via T. Alderoti, Firenze. Ito ay pinangunahan ni EFFG President Alwin Teofanes Bacus kasama ang kanyang mga opisyales.
Ang sampung teams na lumahok ay mula sa Viareggio ang Team Beach Boys at Team Versiliesi Red Dragon, Team Prato, Team Pistoia Braves, Team 40% Above ng Empoliat anim sa Firenze ang Team Steady Lang ng mga taga Alaminos, Team Seven Lakes, Team San Jacopino, Team Scaf (Poker Face) ng Scandicci, Team Swak at ang depending champion Team Bar San Francisco.
Naging makulay ang opening sa pagparada ng mga teams sa kanilang naggagandahang uniform na lalong pinaganda ng kanilang mga seksing muse. Tinaguriang Best Muse si Antonella Gatpo ng Team Beach Boys.
Napunta ang Best Uniform sa Team San Jacopino ng Firenze. Bago magsimula ang paliga nagkaroon ng pa contest sa Three points shot at 100% Free throw shot, dalawa ang representative ng kada team.
Tinanghal na Mr. Three Points si Wendell Dasalla ng Team Beach Boys at nakamit ni Rodney Raimundo ng Team Bar San Francisco ang taguring Mr. 100% Free Throw. Anim na team ang naglaro sa unang araw, sa first game nagsagupa ang Team Scap at Team Bar San Francisco.
Nanaig ang galing ng Bar San Fracisco sa score na 77-55. Nagpakita ng gilas ang Team Bad Boys sa second game upang pataubin ang Team Steady Lang sa score na 72-49. Maganda ang naging sagupaan sa third game na kahit gabi na buhay pa rin ang dugo ng mga players, ngunit nanaig ang husay ng Team San Jacopino kontra Team Swak sa score na 54-51.
Nakakabingi ang sigawan at tilian ng mga manonood lalo na ang mga kabataan babae kapag naglalaro ang kanilang mga idolo. Ngiti naman ang iyong makikita sa mga tidera ng pagkaing Pilipino dahil ubos ang kanilang masasarap na paninda. Noong Oktobre 11, 2009 nagkaroon ng One Day Battle of the Champion Invitational Basketball Tournament ang EEFG na ginanap sa Palestra Paolo Valenti.
Ang mga nagtungali ay ang champion team mula sa Roma, Milano, Pisa at Firenze. Napakaganda ang inilaro ng apat na team, ipinakita nila na sila’y talagang mga champion sa larangan ng basketball, kaya kahit inabot ng gabi masisigla pa rin ang mga players. Nasungkit ng Team Milano ang championship trophy sa score na 74-64. Tinanghal na best in uniform ang team mula sa Roma at nakopo naman ni Jeffrey Reyes ng Team Milano ang pagiging Most Valuable Player. Si Mr. Rudy Datinggaling ang nag sponsor sa palarong ito. (Argie Gabay)