in

Soft Opening…Dinagsa Iremit sa Roma

Isa na namang remittance center ang binuksan kamakailan sa sentro ng Roma. Kilala ito sa
pangalang Iremit na kung saan maaaring mabilis na maipadala ang pera para sa mga mahal sa buhay. Sa Via Firenze
3/4 – Roma ang tanggapan ng Iremit at ito’y malapit sa Reppublica Station at madaling hanapin.  

Ika-18 ng Abril taong kasalukuyan naganap ang soft opening ng Iremit at lubusang itong nagpakilala sa ating mga kababayan. Ang araw na iyon ay isang tagumpay muli kay Mayeth Sarmiento, ang Marketing Officer ng nasabing remittance center, lalo’t higit sa mga pamunuan nito na sina Mr. Jose  Nolan –  Country Head for Italy, Mr. Cesar Calangan  –  Branch Manager  Rome Office. Naipakitang muli sa araw na iyon ang pakikiisa at suporta ng mga Pinoy sa kapwa niya Pinoy. Nag-enjoy ang mga bisita nang araw na iyon at marami sa kanila ay kaagad sumubok sa bilis ng Iremit.

“Matagal ko na rin naman kilala ang mga tauhan ng kompanyang ito n asina Tita Mayeth, Cesar Calangan at Mr. Nolan. Siyempre tiwala naman ako sa mga remittance centers, Pinoy man o hindi. Mas lalo akong nagtitiwala siyempre kung kilala ko ang mga taong nasa likod nito. Alam ko na matatanggap ng aking mga anak ang perang aking ipinadala” – pagmamalaking sinabi ni Troy Flores (di tunay na pangalan).

Congratulations po sa lahat ng staff ng Iremit at sana patuloy nating gampanan ang tunay na espiritu ng paglilingkod. Mabuhay kayo mula sa pamunuan ng Ako ay Pilipino.

ni Liza B. Magsino

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang international pension ng dayuhang mamamayan

Permesso a punti: Ang kasunduan sa integrasyon