Paalala mula kay Pres. Rene Berganio na ang bagong kaalaman ay gagamitin sa mabuti at maging responsible upang maiwasan ang problema sa hinaharap
4/05/2010 – Unang anibersaryo dito malimit nasusukat kung ano ang iyong nagawa, naitulong o naihandog sa iyong kapwa. Nakabuti ba o nakatulong maiangat ang kalagayan ng isang manggagawa. Ang pamunuan ng FCTC (Filipino Computer and Technology Center) ay nagagalak na ihayag na sila ay nakapagtapos ng 303 studyante sa Basic (7 batch) and Advance Course (2 batch).
Marami sa mga graduates ang sa ngayon ay may maganda ng kalagayan sa kanilang mga trabaho dahil sa dagdag na kaalaman. Isa na rito sa Mr. Efren Elia ng Pisa, siya ay nabigyan ng lisensiya ng Bankitalia upang makapag negosyo ng Door to Door remittance. Si Rolando Fernandez na konektado sa Neos Finance, nagagamit niya ang kaalaman sa advance course upang makagawa ng presentation to promote financing. Ang iba umangat ang kalagayan sa hotel na pinapasukan.
Ang First Anniversary celebration at awarding ceremony ng batch 6 and 7 ng basic at batch 1 and 2 ng advance ay ginanap sa Star Hotel Michaelangelo sa Firenze noong Abril 18, 2010. Dinaluhan ito ni Labor Attache Chona Mantilla, Fr. Sanny Senadrin ng Caritas International sa Vatican, Mr. Wong ng Computer Center sa Roma at Honorary Consul Fabio Fanfani. Kakaiba ang awarding ceremony dahil nagpaligsahan ang mga graduates sa advance course sa kanilang mga presentation sa power point, ito ay ipinakita sa pamamagitan projector, dahil dito marami ang naengganyo upang mag aral din sa advance course.
Pinuri ni Labor Attache Chona Mantilla sina FCTC project manager Mela Berganio at Comfit and All Leaders Pres. Rene Berganio sa kanilang walang sawang pagtulong sa kapwa Pilipino. Ngunit pinayuhan niya na kailangan din ang konting pahinga, kung ang makina o lupa kelangan ang pahinga gayon din ang tao. “Life is like software, where under the guidance of Divine Providence problems can be scanned, tensions can be edited, solutions can be downloaded, worries can be deleted so that our lives and those others are upgraded and saved” ayon kay Fr. Sanny Senadrin. Naghandog rin ng certificate of appreciation ang pamunuan ng FCTC kina Labatt Mantilla, Fr. Senadrin, Mr. Rudy Wong at Hon. Consul Fabio Fanfani.
Tatlong special award ng pagkilala ang inihandog sa mga natatanging graduates sa kanilang pagtulong at pag promote ng Computer Center kina Mr. Efren Elia, Rolando Fernandez at sa inyong lingkod Argie Gabay. Muli ang paalala mula kay Pres. Rene Berganio na ang bagong kaalaman ay gagamitin sa mabuti at maging responsible upang maiwasan ang problema sa hinaharap. Isang masaganang hapunan at yugyugan matapos ang awarding ceremony. (Argie Gabay)