in

Joanna Ciccarelli para sa PATRONATO INFORMAFAMIGLIA

Maaari mo bang ipakilala ang inyong sarili.
Ako si Joanna Ciccarelli, 25 taong gulang. Ipinanganak sa Italya. Ang aking ina ay isang Pilipina at ang aking ama ay isang Italyano. Ako po ang kasalukuyang OIC ng Partronato Informa Famiglia, na matatgpuan sa Viale Medaglie d’oro n. 50, na laging handang mag-bigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa mga dokumentasyon sa lahat, maging Pilipino, Italyano o ibang lahi man.

Ano ang pakiramdam ng isang italo-filippina?
Kung ang pag-uusapan ay ukol sa pakikitungo sa kapwa, siguradong isang advantage ito dahil sa isang kapasidad na makakatulong sa kominikasyon kung ‘language’ ang pag-uusapan. Bilang isang Italian, lahat ng karapatan bilang italyana ay aking natatanggap. Bilang Filipina naman ay masakit makita ang discrimination, kahit pa dito sa Italya, ay nabibilang sa daliri ang mga kasong ganito.

Mas Pilipina o mas Italiana ang pagkiramdam mo?
Mahirap para sa akin ang katanungang ito. Mas Italyana ang pakiramdam ko, dahil na rin siguro sa aking anyo. Ngunit dahil sa kinagisnan ko ang dalawang magkaibang kultura ang nagpalaki sa akin, taas noo ko’ng pinagmamalaki na ako ay Filipino at Italiano.

Alin sa dalawang linguahe ang nahirapan ka’ng pag-aralan? Bakit?
Salamat sa aking mga magulang na ako ay minulat pagkabata sa dalawang linguahe. Hindi naging mahirap para sa akin ang pag-aralan ang dalawang ito.

Kailan ka nag simulang magbigay ng napaka importanteng serbisyong ito?
Pag katapos ng aking pag-aaral noong 2005, ako ay nag desisyon na harapin ang serbisyong ito, di lamang para tulungan ang aking ina sa isang opisina sa Milan kundi pati na rin ang matulungan ang aking mga kababayan na nahihirapan sa pagsasa ayos ng kanilang dokumento dahil sa wikang Italyano. Ito, lalong higit sa lahat, ang nagtulak sa akin upang ipagpatuloy at palawakin pa ang kaalaman sa sektor na ito.

Bakit mo pinili ang sektor na ito?
Hindi isang madaling trabaho ito dahil bukod sa malaki ang responsabilidad ay dumarating ang pagkakataon na nakakaramdam ako ng pagod sa patuloy na pagpapalit ng batas. Napaka interesting din naman, dahil hindi ko namamalayan na sa aking pagta-trabaho ay marami ang aking natutulungan. Naituturo ko sa kanila ang kanilang mga karapatan at halaga bilang mamamayan gayun din ang kanilang obligsayon. Dahil dito, ay mahal ko ang trabahong ito.

Ano ang pangalan ng Patronato?
INFORMAFAMIGLIA ang pangalan ng Patronato at ang’ ASSOCIAZIONE FEDERCASALINGHE naman ang sponsor nito.

Sinu sino ang maaaring lumapit sa inyong serbisyo?
Kahit sino, maging Italyano man, Pilipino at maging ibang lahi pa.

Anu ano ang mga serbisyo?
Maaaring ito ay may kinalaman sa INPS o INAIL o INPDAP; sa pag-aapply ng pensyon, maternity, unemployment, petition, etc..
Maaari rin naming may kinalaman sa renewal ng permit to stay o updates sa carta di soggiorno.

Para sa iyo, sa anong proseso mas nahihirapan ang mga Pilipino?
Nahihirapan ang karamihan ng mga Filipino na maunawaan ang bureaucracy ng bansa, pati na rin sa italian language.

Sa anong paraan mareresolba ang mga ito?
Malaki ang magiging tulong ng mga mediators, dahil tulad ng mga naging isyu, ang kahinaang ito ng mga dayuhan ang ginagamit ng mga napagsamantala upang bihagin ang mga ito at masingil sa malaking halaga.

Ano ang karaniwang hinihingi ng mga Pilipino?
Ang Filipino Community ay isang matahimik at karaniwang maayos na community. Kaya’t malaki ang kanilang takot kung hindi maayos ang takbo ng kanilang mga dokumento tulad ng permesso di soggiorno. Bukod dito, ay nais din nilang papuntahin dito ang kanilang mga mahal sa buhay, kaya’t madalas ding silang humihingi ng impormasyon at tulong para sa petition.

Nahihirapan ba sila sa italian language?
Ang mga kabataan ay madaling natututunan ang italian language ngunit ang mga may eded nà ay tila nahihirapan na upang matutunan ito. Sa napakaraming pagkakaton ay kinakailangan na kilala at alam ang Italian language dahil ito ang pangunahing linguehe dito sa Italya.
Hindi naman problema para sa kanila ang English language.

Isa bang tulong o pabigat ang italian language test?
Ang TEST ay humihingi ng kaalaman sa italian language sa mababang libelo lamang. Available ang evening class para sa mga nais mag-aral nito at may mga kursong available pag day off lamang tulad ng Huwebes at Linggo upang masundan ang availability ng mga Pilipino. Tiyak na malaki ang magiging pakinabang nito para sa Community.

Kailangan ba ang membership fee sa inyo?
May mga serbisyong bayad nà ng mga sponsors ng labor union kung kaya’t hindi nà kailangan pa ng membership fee, ngunit may mga serbisyo din naming nangangailangan ng membership. Nagbibigay din naman kami ng mga serbisyo ng CAF na ang kabayaran ay naaayon sa lahat ng mga CAF sa bansa.

Ano ang maiiwan mong mensahe para sa ating mga kababayan?

Para pos a inyong mga katanungan, para sa mas detalyeng impormasyon, ako kasama ang buong staff ng Patronato Informafamiglia, na sila Preziosa Fruto, Grace Escanilla, Arman Noma, kami po ay laging handa sa lahat ng inyong mga pangangailangan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

THREE BATCHES OF PINOYS FROM LIBIA, ASSISTED IN ROME.

Marso 8, isang pagdiriwang sa tapang at determinasyon ng mga kababaihan