in

Marso 8, isang pagdiriwang sa tapang at determinasyon ng mga kababaihan

Pagbalik tanaw kung paanong ang mga kababaihan ay nagkaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan.

Ang International Women’s Day ay unang ipinagdiwang noong Marso 19 (hindi ang Marso 8 ng kasalukuyan), 1911. Ang isang milyong kababaihan at kalalakihan ay nagsagawa ng malaking demonstrasyon bilang suporta sa mga kababaihan sa kanilang karapatan sa unang International Women’s Day.

Ang ideya ng isang International Women’s Day ay nagmula sa America’s National Women’s Day, pinagdiwang noong Pebrero 28, 1909, na ipinahayag sa pamamagitan ng Partido Sosyalista ng Amerika.

Noong sumunod na taon, ang Socialist International ay nagpulong sa Denmark upang aprubahan ang ideya ng isang International Women’s Day. At ng sumunod na taon, ang unang selebrasyon ng International Women’s Day, unang tinawag na International Working Women’s Day at ginanap ang mga demonstrasyon sa Denmark, Germany, Switzerland, at Austria.

Matapos ang isang linggo ng unang International Women’s Day, ang sunog sa Triangle Shirtwaist Factory sa New York City ay pumatay ng 146, halos lahat ay mga kabataang babaeng imigrante. Ang aksidente ay naging daan ng maraming pagbabago pang-industriyang kalagayan sa trabaho, at ang memorya ng mga taong nagbuwis ng buhay ay madalas na malaki ang bahagi sa mga pagdiriwang ng  International Women’s Day mula noon.

Ang unang pagdiriwang ng International Women’s Day ay naganap sa Russia noong Pebrero 1913.

Noong  1914, sa pagputok ng World War I, ang Marso 8 ay isang araw ng demonstrasyon ng mga kababaihan laban sa digmaan, o isang pagkakataon ng mga kababaihan sa pagpapahayag ng mga internasyonal na pagkakaisa sa oras na iyon ng digmaan.

Noong 1917, mula Pebrero 23 hanggang Marso 8, sa Western calendar, ang mga kababaihan sa Russia ay nag-organisa ng isang welga, na naging susi ng simula ng pagbagsak ng czar.

Ang okasyon ay lalong naging popular sa maraming taon sa Silangang Europa at sa Union Soviet. Unti-unti, ito ay naging ganap na isang tunay na internasyonal na pagdiriwang.

Ang United Nations ay ginanap ang International Women’s Year noong 1975, at noong 1977, ang United Nations ay opisyal na inihayag ang taunang pagbubunyi sa mga kababaihan ng kanilang karapatan at  kinilala bilang International Women’s Day, ang araw bilang pagninilay sa naging progreso, bilang tawag sa isang pagbabago at bilang pagdiriwang sa tapang at determinasyon ng mga pangkaraniwang kababaihan na nagkaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan ng karapatan ng mga kababaihan.

Ngayong 2011, ang ika-100 anibersaryo ng International Women’s Day. Isang partikular na pagpapahalaga pagdiriwang na ito.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Joanna Ciccarelli para sa PATRONATO INFORMAFAMIGLIA

OFWs mula Madagascar, nangangambang tinamaan ng malaria