Mga imigrante, nasa mas mapanganib na sektor, nangangailangan ng higit na kaalaman sa mga alituntunin sa kaligtasan.
Mas kaunting aksidente at pagkamatay sa trabaho sa Italya. Ito ay ayon sa huling report ng INAIL, ang pambansang instituto para sa seguridad laban sa mga aksidente sa trabaho.
Noong 2010, umabot sa 775,000 ang nagkaroon ng pinsala sa trabaho, mas mababa ng dalawang porsyento kaysa sa 2009; halos 980 katao ang mga namatay, mas mababa naman ng halos pitong porsyento. Ito ay ang unang pagkakataon na hindi umabot ng isang libo ang mga namatay sa trabaho sa loob ng isang taon.
Ang data ay dahil na rin sa kasalukuyang krisis, nabawasan ang bilang ng mga empleyado at manggagawa gayun din ang mga tao na nasa panganib. Ngunit may sampung taon nà, na ang aksidente sa trabaho ay nabawasan.
Para sa Inail, ito ay dahil sa higit na kaalaman upang makaiwas sa panganib at mas mahusay at epektibong prevention. Ang mga aksidente, gayun pa man, ay nanatiling malubhang problema sa Italya, at ayon sa data, ang mga manggagawang imigrante ay mas madalas na masaktan o mamatay kumpara sa mga kasamahang Italian. Ito ay dahil na rin sa uri ng trabaho sa mga sector na mas ma panganib, tulad ng konstruksiyon at industriya bilang mga factory worker ngunit higit sa lakat, ang mga imigrante ay madalas na mas mababa ang kaalaman sa mga alituntunin ng kaligtasan.